Blog Sagot sa Kahirapan?
Kung iyong iisipin ang sagot sa tanong na ito (Blog Sagot sa Kahirapan?), ano ang unang isasagot mo? Ang una kong sasabihin, OO. Una, dahil ako ay isang blogger at alam ko ang kaugnayan ng pera sa ginagawa ko ngayon. Maaring maging sagot ito sa kahirapan at maaari itong makatulong kahit sa maliit na paraan lamang. Ngunit kung tatanungin natin ang isang hindi blogger, maaaring isagot nya, “Hindi ko alam.”
Ano nga ba ang pananaw ng isang hindi blogista sa blogs. Maaaring ibat-iba. Kung babalikan ko noong unang pagkakataon na ako ay nagsulat sa blog na ito pitong buwan ang nakaraan, wala sa isipan ko ang ideya na maaari pala akong kumita sa blog. At dahil sa interest kong ipagpatuloy ang pagsusulat dito, unti-unti kong natutunan ito.
Ang mga sagot na ito ay isa sa mga libo-libo na maaari nating madinig sa isang blogista. Lahat tayo dumaan sa prosesong ito.
Balik tayo sa tanong. Maaari bang maging sagot sa kahirapan ang pagba blog? Bakit hindi? Maaaring ang ilan ay natatawa sa tanong na ito. Maaaring ang iba ay sang-ayon at ang ilan ay hindi. At maaari naman ang iba ay walang pakialam. Pero naisip mo na ba kung tuturuan natin ang ilang kababayan natin na mag-blog, sa tingin mo ba maaari din nilang kitain ang kinikita ng iba? Ang aking sagot, OO.
Ating suriin, halimbawa, kung ang isang pangkarinawang empleyado ay kumikita ng P350/day x 22 days = P7,700.00 or equivalent to US$188.00 per month (US$41). Sabihin nating 10% na lamang ang kaltas mula sa TAX, SSS, PAG-IBIG etc. ang kabuuang makukuha nya sa isang buwan ay P6,930.00 or US$160.00.
Paano kung mas higit pa sa halagang yan ang kitain nila sa pagba-blog? Tingin mo ba, isang malaking tulong na iyan sa isang taong hindi sapat ang kinikita?
Hindi sa pagmamalaki ang halagang yan ay higit pa sa kinita ko noong nakaraan buwan sa aking pagba-blog. Ako ay bagito pa lamang para i-monetize ang blog na ito. Nagsimula akong gumamit ng Google Adsense noong September 2007 at sa mga bayad na serbisyo mula sa advertisers noong December 2007 lamang. Malaki ang aking pasasalamat sa taong nagbukas ng aking kaisipan sa ideyang ito. Siya ang isa sa mga bloggers na maipag-mamalaki natin, si Reyna Elena.
Hindi ko hinikayat ang sinuman ang maging tamad sa paghahanap ng trabaho at lalong hindi ko hinihikayat ang sinuman na magresign. Ngunit kung iisipin mo, kung hirap ka sa paghahanap ng trabaho, bakit hindi mo subukan ito? At kung me hanap-buhay ka naman, bakit di mo gawing part-time ang pagsusulat?
Hindi po layunin ng blog na ito na gawing komersyalismo ang larangan ng blog. At lalong hindi po ako naglalayon na sirain ang reputasyon nating mga blogista. Maaari sa panahon ngayon, isang paraan para makatulong tayo sa ibang kababayan natin ay mailarawan at maipakita sa kanila na mayroon palang pag-asa para kumita ng pera sa malinis na paraan. Huwag nating ipagdamot ang ating mga kaalaman. Kapwa Pinoy dapat tayo’y nagtutulungan.
Nawa’y nakatulong ang artikulong ito lalo na sa mga nagbabalak pasukin ang larangang ito. At sa mga kapwa ko blogista, kung mayroon kayong nais idagdag dito, kayo ay maluwag kong inaanyayahan na mag-iwan ng konting payo para buksan ang kaisipan ng ilang mga kababayan natin.
Maraming salamat po at Mabuhay tayong mga Pinoy Bloggers!








itot54joni posted: 08 Feb at 3:13 am
1st honor ako!ahehehe.dati Japan ang sagot sa kahirapan.ngayon pala e blogs na.hitech n tlaga oo.bago ang lahat ang haba ng entry mo,buti tagalog at naintindihan ko.kung english ito e malamng pang aasar n nmn comment ko dine,ang $10!ahehehe!mabalik tayo.ang mga katropa ko at sampu ng kapamilya ko ay isa laang ang sagot jan. noong natanong kasi ako kung ano ginagawa ko ngayon, ang sagot ko e ngbablogs.ang sagot naman nila ay “AH?!?”
noong tanungin ako kung ano mahihita ko dine,ang sagot ko ay marami.matututo ka,kikita ka pa.ang sagot nila uli ay “AH?!?” minsan napasok s isip ko ano gang pumasok s utak natin at humantong tyo sa ganare.gang ngayon e dko pa din nsasagot yan.kahit na alam ko n kumikita n khit papaano at nabibigyan mo ng kaalaman ang mga nbisita syo pero prang my malaking ? p din. dati kc hawak ko ay gitara tpos naging manobela tapos tagay minsan yosi minsan tikoy ngayon ay keyboard.tinatanong ko din minsan s sarili ko kung tao ga talaga ako!ahehehe.bago pa humaba at matapatan ko ang milyon salita sa nilathala ni ambormal ang masasabi ko laang e kung san ka masaya suportahan ta ka!mahirap maghikayat sa taong wala nmn interes s inaalok mo.mas magaling pang mnghikayat ng mga bgong usbong dine dahil alam mo na pag uukulan nila ng panahon ang bawat salitang binigkas mo sa kanila di tulad ng aking katropa at sampu ng aking kapamilya na walang ibang sagot kundi,”AH?!?”
itot54joni’s last blog post..100% Batangueno Meets Christine “HappySlip” Gambito
[Reply ]
AMBO reply on February 8th, 2008:
@ Itot totoo yan kapatid. Sabi nga we cannot please everybody. Meron akong mga kaibigan na wala pa ding interest sa pagba-blog. Tulad mo di ko sila pinipilit. Mahirap pilitin ang taong wala namang interest sa isang bagay which is good naman. If they have other means, why not? Btw, congrats brother at nameet mo na si idol. Before i go to Ilocos today, try ko dumaan sa fans day mamaya.
[Reply ]
itot54joni reply on February 8th, 2008:
wag ka mag-alala d man kita naikiss khpon e naitapik nmn kita s balakang niya.tutut un.napatingin nga e.kala manyakis ako!wahhh
itot54joni’s last blog post..Happy Slip Fans Day Pre-Recorded Video Stream
[Reply ]
reyna elena reply on February 9th, 2008:
putzaragezz hirap mong habulin itots! hahaha!!!! first honors ka parati palagi na lang akong second honorable not mentioned! hehehe
reyna elena’s last blog post..Have you been to a Gay Bar?
[Reply ]
itot54joni reply on February 10th, 2008:
mayaman ka na naman e kaya ipaubaya mo na skin ang month na are!ahehehehe
itot54joni’s last blog post..CashPoint: Earn Money On Facebook
[Reply ]
Beng posted: 08 Feb at 3:16 am
Maraming salamat po Ka Ambo sa artikulong ito. Kasama ako sa iyong OO. Talagang nakakaluwang ito sa budget, lalo na sa mga mujer na katulad kong makikay at maluho. Ako nga na super tamad sumulat ay kumikita ng more than isang libong dolyares sa loob ng isang buwan. Ibig sabihon nito kong magtitiyaga pala ako…mas malaki pa keysa diyan ang kikitain ko, di vah?
But I advice other bloggers not to give up their job just because they are earning money from their blogs. Dahil hindi laging may magagandang opps or high ang payout. Duto nga natuyot ang nabuhay ko na sanang dugo. Nabuhay ito dahil when I started paid blogging ang tataas ng bayad. Lowest rate I had was $25.00, PR 5 ang site ko kaya ganun. Pero nang biglang ibagsak ng gugeyl ang rank ko, tig 5 or 7 dollars nalang ang available sa akin na opps. So matutuyuan talaga ako ng dugo nito sa kakasulat if I want to reach the same amount I earned last December.
To make the long short, kong may tiyaga…may nilaga.
Beng’s last blog post..Erectile Dysfunction In Focus
[Reply ]
itot54joni reply on February 8th, 2008:
hello po beng. ako po e pr3 s isang site ko pero khit $3 kinakana ko.ala nmn po ako dpt igive up n job kc wla akong job.joke laang po.may nakausap ako knina isang blogger.sonny name niya at 2 yrs n dw xa.noong unang lingo ng pagsali niya s mga bayaran e $100 n dw agad.pr5 site niya.ano masasabi mo amborneo?
itot54joni’s last blog post..100% Batangueno Meets Christine “HappySlip” Gambito
[Reply ]
Beng reply on February 8th, 2008:
hey itot, hehehe i don’t believe you naman tlg eh na wla kang job. heneweys, regarding mister sonny guy, like i menshyond above talagang malaki ang bayad sa isang opp lalo na’t mataas ang rank. pero there is a chance na magbabago ito kapag nasilip or naamoy ng google na naging paid blogger siya. well experience ko yan ha at ng reyna at ng iba pa.
itong si ka ambo ay peyborit yata ni mang google dahil steady ang pr 4 niya.
siyanga pala bago ko makalimutan. may possibility din palang kumita ng malaki kahit mababa ang rank kapag napili ka ng isang advertiser. like me o, kumita ako ng tatlong daang dolyares sa pagsulat ng tungkol sa bayagra uppps, viagra falaka. hay hanuvayan
Beng’s last blog post..The Knight With His Shining Armour
[Reply ]
AMBO reply on February 8th, 2008:
@ mommy beng $1000 a month means something up up and away hahaha. Yes i agree. Kung may tyaga may nilaga nga naman. Imagine aside from blogging mo am sure malaki din ang kinikita mo sa business mo. E kasi isa ka sa mga may creative minds kya i salute you!
@ Itot di naman lahat sa pepepe e mababa kapatid. Kahit mababa ang pr mo, tulad ng sabi ni Mommy Beng, pag maganda at me quality ang mga sinusulat mo ooperan ka ng ibang adverts ng mas malaki. Imagine her latest post is worth $300 alone. See? San mo ba pupulutin dito sa Pinas yan? Don’t worry di lahat ng malalaking offer nasa may mataas na pr. There are times na may offer for all. Ang labanan, unahan nga lang. Keep up brother! Kung anong alam mong tama na makakatulong sayo, just do it.
[Reply ]
itot54joni reply on February 8th, 2008:
bago ang lahat kamukha niyo mom ko.no joke! pero totoo po.jobless ako since 2003.ahehehe!di pa kc ako ngstart mgpost ng ops ng pekpekpek e,un 100% batangueno ko kc nkasalang dun,wala pr un.d p siguro ako nkakatikim ng malaki kya mejo ganare pa isip ko.dun p lng po ako kc nkfocus s smrty,revme,sponrev.
@ambo un isa kchat ko 4 digits n xa.6 blogs daw gmit niya. ang prob ko nga e s email ngsesend un sponrev e dko minsan nkikita kya nalilipasan ako.
itot54joni’s last blog post..100% Batangueno Meets Christine “HappySlip” Gambito
[Reply ]
Beng posted: 08 Feb at 3:18 am
hoy commentluv…talagang mabigat dugo mo sa akin ano? fwede bah hindi na about erectile ang entry ko ngayon. hmmmp
Beng’s last blog post..The Knight With His Shining Armour
[Reply ]
reyna elena reply on February 8th, 2008:
hehehe! SINO BA BENG? pati dun sa write-up ko sa Joy & Reynz Show pinag-iinitan ko pa rin ang bwisit na google na yan!
kaya sana mag merge na ang yahoo at msn para me competitor na ang google, ganyan lang yan umasta kasi superpower, babagsak din yan
reyna elena’s last blog post..What would you do if you chanced upon your ex?!
[Reply ]
reyna elena reply on February 8th, 2008:
NAPAHAGALPAK NAMAN AKO SA ERECTILE COMMENT MO! hahaha
reyna elena’s last blog post..Stop and Stare!!!
[Reply ]
itot54joni posted: 08 Feb at 3:30 am
OT: kung gusto niyo makita ang Mr. Puge ng batangas.click niyo yan latest entry ko.ahehehe!kala mo ambo kaw laang ang kayang humarap!ako din!ahehehe
itot54joni’s last blog post..100% Batangueno Meets Christine “HappySlip” Gambito
[Reply ]
reyna elena reply on February 8th, 2008:
itot nakita ko na pero di ko nakita yong kambal ni Josh Verdes, baka itinakas na ni Malen? buti nga me kambal para di name magaway ni malen! hehehe!!!
reyna elena’s last blog post..What would you do if you chanced upon your ex?!
[Reply ]
itot54joni reply on February 8th, 2008:
di mo nkita un kakambal ni josh overdose e nkaalakbay pa nga siya dun.feeling close!ahehehe!
itot54joni’s last blog post..Happy Slip Fans Day Pre-Recorded Video Stream
[Reply ]
joy posted: 08 Feb at 6:47 am
“Hindi sa pagmamalaki ang halagang yan ay higit pa sa kinita ko noong nakaraan buwan sa aking pagba-blog.” Or do you mean HIGIT ANG KINITA KO?
Anyway, first comment - eh bakit mo naman daw kinompyut ang sweldo based on per day wage? Eh they’re paid monthly po, so though they only work 22 days a month eh paid din sila pati sa ibang araw na hindi sila pumasok UNLESS arawan po sila. Saka P350 pa rin ba minimum wage? 10 years ago pa yan ah.
Second - ‘probloggers’ can quite possibly make a living out of blogging. If this is what they’re happy to do, then that’s great. They can devote day in and day out to blogging. It’s a cutthroat business though.
Third - if people were to earn extra from having a blog, and they don’t find it stressful, then they should continue to do so. But I wouldn’t go so far as saying, sagot ang blogging sa kahirapan. After all, the really poor, and I mean the poorest of the poor wouldn’t even own a PC, let alone know how to use a computer, or know the first thing about SEO’s, cyberspace or PPP
So bottom line is - blogging is great if you know exactly what you are doing. But it’s not something ordinary Pinoys can do - unless you’re willing to loan them your PC and teach them how to use it as well as how to blog and network online
But that’s just me
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
Norwich Daily Photo
joy’s last blog post..Gratitude Thursday
[Reply ]
reyna elena reply on February 8th, 2008:
Nakuuuu! Siguro I should publish my earning this month! kaya lang takot ako bak utangan na naman ako! hahaha! basta ang alam ko, me pa-premyo na naman sa reyna elena!
reyna elena’s last blog post..What would you do if you chanced upon your ex?!
[Reply ]
AMBO reply on February 8th, 2008:
“Or do you mean HIGIT ANG KINITA KO?” hehehe yun nga Doc Joy ang nakalagay.
Anyways, ang computation ko ay base sa pasok ng isang regular na empleyado. 8 days is equivalent to 4 weekends (sat-sun) in a month. Yan ang computation namin noong nagtrabaho ako sa hrd payroll division noon. Inexample ko lang. At dun sa minimum wage Doc Joy, hindi yan panahon ni kopong kopong. Do you know na ang minimum wage today according to DOLE is P362.00 sa NCR? Yes its true. You can even ask their hot-line for the info (527-8000). Ginawa kong 350 just to cite an example.
Sabi nga sa panahon ngayon, kung di ka madiskarte walang patutunguhan ang buhay mo. Naniniwala ako pagdating sa diskarte dyan panalo ang Pinoy. If they don’t have PC at home, madaming internet cafe at mura lang naman ang rent. Like 20 per hour.
I agree and that’s one of my points na turuan ang ating mga kababayan how to start, what to do and what to expect.
If blogging is not the perfect answer to alleviate poverty, at least blogging is considered as one.
[Reply ]
mai reply on July 15th, 2008:
Hi.. Sir Ambo,
Gusto ko lang po itanong kung paano po kayo kumikita
sa pagba-blogging ‘yung exact details. Halimbawa po, paano
nyo po nakukuha ang bayad sa pagba-blog, kailangan po ba’ng
magbukas ng account sa bangko, pa’no kayo kino-contact ng
mga advertiser. ‘yung mga kailangan ko pong malaman para
makapag-blog kagaya nyo.
Sana masagot nyo po ang aking mga queries. Thank you,
and GOD BLESS!
[Reply ]
AMBO reply on February 8th, 2008:
@ Reyns bakit si mama chuvs talagang nakadisplay ang kita sa progobbler nya hehehe. Pag me nautang? deadma lang muna. Aba ang hirap kayang kitain nun
[Reply ]
reyna elena reply on February 8th, 2008:
Eh maliit lang ang kinita ko compare ki Chuva although na meet ko yong goal ko in January at naka $1k ako. I don’t expect to get the same in Feb kasi busy sa work dahil odit season kasi, taz ba blog pa. One week na nang Feb wala pa akong kita but I hope me matira saken this weekend dahil by the time I get home, ala na! Yong sponsored reviews naman, ang cheap kung minsa, eh alam mo naman Zerowena na ang Reyna kaya cheappangga na lang ang mga opps ko, rely na lang ako sa TLA at Bidvertiser ko
reyna elena’s last blog post..Stop and Stare!!!
[Reply ]
joanjoyce reply on February 8th, 2008:
ano yung TLA and bidvertizer? ii-display lang ok na? parang adesense? meron ako nyan kaso di ko alam gagawin hehehe salamat
joanjoyce’s last blog post..Project H.E.L.P Basilan
[Reply ]
itot54joni reply on February 9th, 2008:
@joan same laang din ng adsense un.d n nga ako nglalagay ng mga ads masyado kc nagmumukhang UK ang site ko.sali ka na laang dine bux.to.kiclik k laang ng ads s site n yan tpos pera na.manghikayat ka ng marami para mas malaki kita!
itot54joni’s last blog post..CashPoint: Earn Money On Facebook
[Reply ]
reyna elena reply on February 10th, 2008:
JOYCE,
if you check dun sa reynaelena, me dalwang maliit naka-advertise dun, yung isa cards at yong isa eh currecy trading, apply ka sa sidebar ko daliiii!!! hahaha, dun sa isa kong blog, meron din ako. mabait yang si Patrick, owner nang TLA email mo sya. minsan nag-eemail kami privately. monthly ang bayad nya sister!
[Reply ]
geisha posted: 08 Feb at 6:58 am
hmmmmmmmmmm interesting!
[Reply ]
Winston posted: 08 Feb at 7:22 am
kuya, pwede na pala akong hindi magtrabaho. hahaha..
kung ganyan ang sahod ng isang normal na employee, nakow.. ang hirap.
sang-ayon ako sa sinabi mo tungkol ginagawang komersyalismo ng ilang bloggers sa kanilang mga blog. Nakakalungkot ngang isipin na ang nagiging imahe ng pagbloblog ay ang paggawa ng mga kung anu-anong mga reviews.
hehe yun lang. sana yumaman ako sa pagbloblog. ihihihihi. (di ko pa nakukuha ang bayad ni mr. google T___T )
Winston’s last blog post..Aseya Bistro Orientale
[Reply ]
AMBO reply on February 8th, 2008:
@ Winston, first congrats bro at WP na ang blog mo. Di ba mas ok sya ngayon? Di na mahirap mag comment ngayon
About jan sa reviews, tinamaan ako. hahahaha.
[Reply ]
reyna elena posted: 08 Feb at 9:56 am
AMBO FOR VICE PRESIDENTTTTT!!!! (Eh ako kasi ang magiging first Woman President eh!)
HAHHAHAHA!!!! Sayang nga, nag-hiatus si Mogli who is also one big proponent of making BLOGGING 101 as part of High School Curriculum para daw matutu mag english ang mga bata ngayon which I agree.
Here’s my own calculations on blogging: Visit this entry:
http://bancodereyna.com/?p=6
reyna elena’s last blog post..What would you do if you chanced upon your ex?!
[Reply ]
joanjoyce posted: 08 Feb at 10:35 am
agree ako Ambo sa mga naturan mo, nagpapasalamat din ako sayo at kay sis reynz dahil ang mga blog nyo ang nagbigay inspirasyon sa akin pano kumita sa pagbablog.. kaya itot sa pag rerefer sa akin sa kung saan saan hehehe kaya share nyo pa ibang mga karaketan sa blog at di pa ko kumikita ng katulad sa inyo hehehe.. basta masaya sa ginagawa natin tayo e magtatagumpay
[Reply ]
reyna elena reply on February 8th, 2008:
naku ha? touchfullness naman ako dun joyce! hahaha! di ba malakas na ang kita naten dyan o medyo sikwet pa rin?
reyna elena’s last blog post..Stop and Stare!!!
[Reply ]
itot54joni reply on February 8th, 2008:
basta may bago at alam ko n di hoax e ssbihin ko syo.d man malaki e khit panload arw arw e mkuha mo dun s mga nirefer ko!
itot54joni’s last blog post..Happy Slip Fans Day Pre-Recorded Video Stream
[Reply ]
joanjoyce reply on February 8th, 2008:
pag pwede ko ng pagmalaki kinikita ko iisa isahin ko hehehe sa ngayon kasi barya pa lang kumpara sa inyo e hehehe pero unti unti ng natututo
salamat ulit mga ka-ops 
joanjoyce’s last blog post..Project H.E.L.P Basilan
[Reply ]
itot54joni reply on February 9th, 2008:
same laang din ng adsense un.d n nga ako nglalagay ng mga ads masyado kc nagmumukhang UK ang site ko.sali ka na laang dine bux.to.kiclik k laang ng ads s site n yan tpos pera na.manghikayat ka ng marami para mas malaki kita!
itot54joni’s last blog post..CashPoint: Earn Money On Facebook
[Reply ]
marhgil posted: 08 Feb at 12:59 pm
ang lalim ng iyong pagkasabi, at ako ay sang-ayon sa iyo. yun nga laang, ang hirap turuan ng mga ayaw namang matuto. yung mga kapatid ko nga, kita na nila na kumikita talaga ako sa blog, hanggang tingin na lang din sila. ano naman daw isusulat nila? at kung ano-ano pang dahilan. so, di ko na sila pinilit.
marhgil’s last blog post..Successful Paypal Withdrawal To Banco De Oro
[Reply ]
AMBO reply on February 8th, 2008:
@ Reyna naalala ko nga yang sinulat mo. Binalikan ko at tama nga. Isang paraan para mahasa ang ingles sa pagsusulat e itong pag ba blog. Di lang mga kabataan. Ganun na din sa mga taong me edad na hehehe.
@ Joanjoyce walang anuman kapatid. Isa sa mga layunin ko ngayon ay makatulong man lang tayo sa ibang tao sa pamamagitan ng ating pagsusulat. Maraming salamat din Joyce at madami akong natutunan sa blog mo when it comes to “blogging”. keep up and God bless kapatid.
@ Marhgil kapatid tama ka. Ako man yung kapatid ko dati inis sakin un dahil tagal kong nakakabad lagi sa pc. pero ngayon dinaig pa ako sa dami ng blog nya haha. Baka me time ka bisitahin mo minsan
http://pinoytourist.blogspot.com
http://career-sap.blogspot.com
http://forexpinoy.blogspot.com
o hayan nag promote na ako hahaha.
[Reply ]
mhel posted: 08 Feb at 3:08 pm
hehehe kapatid na ambo… dapat pala to address poverty, mamigay ng computer ang marikina at ipa-wifi ang buong ka-marikina-han hehehehe…
mhel’s last blog post..The Whirl of Love
[Reply ]
mhel posted: 08 Feb at 3:10 pm
seriously, naaaliw akong ispin na may laman na ang paypal ko from paid posts pero para kumita k talga dito sa blogging, mas ok yata na magresign sa trabaho. for example, para manalo ko sa “comment contest” ni ambo, kelangan marami akong time maginternet di ba???
tsk… tsk… nakakasira talaga ang day job sa blogging.
mhel’s last blog post..The Whirl of Love
[Reply ]
BURAOT posted: 08 Feb at 6:40 pm
as usual, kulelat na naman ako sa pagko-comment. para mabigayn ng chance yung iba na manalo nung papremyo mo. heheheh.
anyhoo, ka ambo… parang me naaamoy ako sa mga salita mo.. lumalabas na ata ang iyong tunay na kulay. nyahahaha! kauri!
at tama ka naman jan sa mga punto mo. kaya nga magre-resign na ko sa work.
joke laang!
[Reply ]
itot54joni posted: 08 Feb at 7:58 pm
OT: sa mga member ng facebook na anjan s abroad.pakibasa na laang ng latest entry ko.ambo musta mo ako ky tito chavit!dala k ng pasalubong!
itot54joni’s last blog post..CashPoint: Earn Money On Facebook
[Reply ]
Fitz posted: 08 Feb at 10:09 pm
i think that financial literacy is the answer to poverty.
i believe that regardless of what income opportunity you choose, if pursued with discipline, passion and perseverance - one can achieve wealth.
i’m also new at monetizing blogs, i must say that it’s not an easy “job”. it takes time, commitment and creativity to earn a decent income from it.
but the beautiful thing about blogging money is your worldwide market base and its potential to become a passive stream of income.
very inspiring post ambo. thanks you for the motivation.
Fitz’s last blog post..A Valentine’s Date To Remember
[Reply ]
LiNTEK posted: 08 Feb at 10:26 pm
sa pananaw ng isang blogger na tulad ko, marahil isa nga itong kasagutan sa kahirapan subalit masakit isipin na marami sa ating mga kababayan ang kasalukuyang hindi marunong humawak ng kompyuter dala ng kahirapan.
Kaya ang unang sagot ko ay “AMBO FOR PRESIDENT!”
LiNTEK’s last blog post..Firefox 2.0.0.12 released
[Reply ]
pusa posted: 08 Feb at 10:35 pm
naks! counted na ba na comment un? hehehe
hoy ambo bat lage ka nawawala at nagpupunta ilocos?
[Reply ]
reyna elena reply on February 9th, 2008:
ewan ko ba kung sinong pinupuntahan nyan sa pagudpud! siguro me taping dun sa beach! hehehe!
reyna elena’s last blog post..Have you been to a Gay Bar?
[Reply ]
Thess posted: 09 Feb at 6:32 am
ambo, PAUTANG!!!
Thess’s last blog post..Paul Potts, what an inspiration!
[Reply ]
reyna elena reply on February 9th, 2008:
HAHAHA! ako rin Ambo! Kelangan ko sa papremyo ko! SINONG GUSTONG MAG SPONSOR?
reyna elena’s last blog post..Have you been to a Gay Bar?
[Reply ]
repah posted: 09 Feb at 10:35 am
naku tama k kuya ambo sana lahat ng tao nkabroadband>> hehehe>>>ang dami mo na plang fans kuya ambo>>> jojoin ako ha
repah’s last blog post..ZTE BROADBAND -Rodolfo Lozada Jr.
[Reply ]
Glenn posted: 09 Feb at 4:09 pm
ambo astig tong post mo ah!! oo nga sarap kumita sa blog
wag lang sana tirahin ng BIR.. hehe
Glenn’s last blog post..Advertise on gL3nnX.net via Project Wonderful
[Reply ]