Christmas Gift! Get Your $20 or More! Invite a Friend and Make More! Click Here and Receive Your Dollar Right Away!
Powered by MaxBlogPress  

ABS-CBN 2 or GMA 7?


Kamakailan lumabas sa mga pahayagan ang nasabing anomalya na isinasagawa ng AGB Nielsen Media Research Philippines ukol sa TV ratings na pinaglalabanan ng dalawang malalaking networks dito sa Pilipinas. Ito ang ABS-CBN 2 Kapamilya Network at GMA 7 Kapuso Network. Ang isyu tungkol sa TV Ratings ang naging dahilan kung bakit naging maingay sila sa mga pahayagan at maging sa kani-kanilang istasyon.

Tanong : Sa iyong palagay, sino nga ba ang totoong nakikinabang sa isyung ito?

Ang naturang TV Survey ay pinangungunahan ng AGB Nielsen na siyang nagpapatakbo ng surveys ng dalawang kampo. Ang isyu ay nagsimula ng maglabasan ang mga bintang na nagkaroon daw ng manipulasyon lalo na sa lugar ng Bacolod.

Tanong : Totoo bang sister company ng GMA-7 ang AGB Nielsen dahil may haka-hakang mas pinapaboran nito ang naturang network?

Unang nagpalabas ng mga witness ang ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang istasyon. Ayon sa kanila, ang GMA 7 daw ang nagmamanipula ng mga naturang survey sa Bacolod. Binabayaran daw nila ang mga bahay na may home panels sa halagang limang daan at groceries. At bukod dito, naglabasan din ang mga diumano’y dating empleyado ng GMA 7 at pinatunayan nila na ang network na ito daw ang nag-uutos sa kanila na manipulahin ang mga surveys. Dahil diyan, ang GMA 7 ay naglabas din ng kanilang mga witness hinggil sa isyung ito.

Tanong : Naniniwala ka ba sa mga sinasabi ng mga naglabasang witness ng dalawang kampo? Sino nga ba ang nagsasabi ng totoo?

Hindi ko na palalawakin pa ang usaping ito. Bilang tagasubaybay ng mga programa sa telebisyon, ang sa akin lang, marapat sanang gawin na lamang ng dalawang network na ito ang kanilang serbisyo publiko. Ang mga manonood ang nagbibigay kinang sa kanilang mga programa bukod sa mga patalastas na pinagkakakitaan nila. Kung karapatan nilang magbigay ng magandang serbisyo, karapatan din naman ang tumanggap nito.

Ang Telebisyon ay nagisilbing mata ng mga pangyayari sa lipunan, sa kapaligiran at nagbibigay ligaya sa bawat manonood lalo na sa mga kabataan. Ito ang nagsisilbing tagapag-bigay ng impormasyon maging sa mga kababayan natin sa ibang bansa. Kung ang puno’t dulo lamang ng usaping ito ang popularidad, hayaan na lamang natin ang taong bayan ang magsabi kung sino ang karapat-dapat na maging halimbawa o dapat pamarisan.

At kung ito man ay isang “Gimmick” na matatawag para kayo ay mapag-usapan at lalong pagkakitaan, makonsensiya naman kayo. Alam ng publiko kung sino ang totoong makikinabang sa isyung ito. Kayo at kayo din…

Tanong : Sino ba ang mas pinaniniwalaan mo? Kapamilya ba o Kapuso?

Receive More Updates Directly In Your Inbox
Please Enter your email address:




Send This Article:
  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • E-mail this story to a friend!
  • LinkedIn
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo! Buzz
  • Print this article!
  • BlinkList
  • Furl
  • Google
  • NewsVine
  • NuJIJ
  • YahooMyWeb
  • blogmarks
  • Bumpzee
  • Ma.gnolia
  • MySpace
  • Netvouz
  • Propeller

77 Responses to “ABS-CBN 2 or GMA 7?”


  1. 1 Blogoloco - Win $250 (44 comments.)

    Para sa akin.

    Kapatid, Kapuso o Kapamilya man basta Pinoy, United :)

    Blogoloco - Win $250’s last blog post..I’m off to London to visit the Queen

    [Reply]

    AMBO Reply:

    Sorry kapatid na Blogoloco, napunta sa spam comment mo. Una ka pa naman dito. Aba ayos sa advertisement ah. Hahaha. I heard you last night sa show ni doc joy. :razz:

    [Reply]

    toni/nonblogger Reply:

    gusto lang ng ibang tao eh maaliw.
    at kung saan sila makakahanap ng naayon sa panlasa nila normal lng don sila.

    [Reply]

  2. 2 reyna elena (183 comments.)

    Sa Pilipinas talaga, kahit na ano, one can always find some creativity to manipulate absolutely just about anything. This is just another example of that - KUNG TRULALA nga to. But then again, sabi nga, if there’s smoke, sigurado me naninigarilyo.

    Bottom line nito is advertising dollars. Kasi di ba one of them went public? So, kelangan paligayahin ang mga investors, so pressured masyado ang mga companies to earn more advertising dollars. Unfortunately, parang Mang Pepe to na pag mataas ang Page Rang mo, mataas din ang bayad. Exactly how the Nielsen ratings work.

    Kaya ayan, sige lokohan sila. Ang biktima? Mga advertisers at mga investors. Tayong mga nanood? Live drama lang to that entertains us. Unless na inivest mo sa kanila ang allowance na pinapadala ko sayo Ambo ha???

    [Reply]

    chuvaness (55 comments.) Reply:

    basta ako hinde ako naniniwala sa ratings na yan….walang control ang mga viewers jan lalo na yung mga nasa provincia…like yung mga cable provider sa min…either 7 or 2 lang ang meron…wala kang choice kundi panoorin yung channel na gusto nila kahit ayaw mo…

    may sari-sarili silang strength and weaknesses…personally I think the best ang mga documentaries/news/current affairs ng 7….while ang 2..magaling sa tsismis chorva and entertainment chenes…

    naasar na ko sa kanila parehong nag papaka righteous eh muka namang parehong guilty

    basta ako etc, hbo, Lifestyle network, disney at crime suspense channel

    chuvaness’s last blog post..Survey Says?.

    [Reply]

    itot54joni (143 comments.) Reply:

    chuvaness pagbaba kc ng ratingness e pgbawas ng sponsorness.kaya si la labaness e pra s advertiserness.ang alam ko laang e bukas e luness! :grin:

    itot54joni’s last blog post..A Perfect Gift This Valentine’s Day!

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Reyna loko baka maniwala yung iba jan na me sustento ka. Wish ko lang hahaha.

    @ Malen totoo nga yan. Ganun din pag wala kang cable, ch 2 and 7 lang usually nasasagap. Kaysa sa mga bus, it’s either 2 or 7 lang sila. Minsan nga naiinis na kami pag me advisory na lumalabas. Nakakapikon kasi pwede namang pag usapan sa korte ang isyu. Napaghahalatang gamitan lang ito. :twisted:

    [Reply]

    reyna elena (9 comments.) Reply:

    hmm… korakness yong sinabi ni chuvaness!

    eh kung yung lang ang kaya nang signal, eh di yun lang ang may i rate nila! inayos ba nila tong mga outliers na to sa calculation?

    [Reply]

    joy (79 comments.) Reply:

    Di ba nagpadala na ng dowry si Reynz sayo? :D

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo

    joy’s last blog post..Scammed By A Filipina?

    [Reply]

    joy (79 comments.) Reply:

    Buti ka pa Malen may cable. Kami ni Thom wala. :sad:

    joy’s last blog post..Scammed By A Filipina?

    [Reply]

    reyna elena (9 comments.) Reply:

    Sa manila wala kaming cable hehehe! Dinidikit ko lang tenga ko sa pader nang neighbor namen. It works! Updated ako! heheeh

    reyna elena’s last blog post..Project: H.E.L.P. Basilan

    [Reply]

    reyna elena (9 comments.) Reply:

    eeek! baliktad! babae po akkoooooo!!! si Ambo ang magbibitbit nang baka at baboy sa bahay namen! noh!

    reyna elena’s last blog post..Project: H.E.L.P. Basilan

    [Reply]

    toni/nonblogger Reply:

    naguguluhan naman ako dito, di po ba ate joy tradition sa pinas pg kasal eh ung groom ang gumagastos?
    di ba nga kelangan pa ung pamanhikan?

    naku ambo ayaw ka na tigilan ni doc joy dito, muka kelangan ko na mgsimula magipon ng pamasahe. abah gusto ko rin makaattend ng kasal na yan noh?

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Toni hehehe. Love lang talaga ako ni Doc Joy at boto yan ke Reyna kaya ganyan siya. :wink: Mag-ipon ka na Toni. Teka sang lupalop ka ba?

    [Reply]

    bluep - Kapuso Ako LOL (133 comments.) Reply:

    Sasabat ako sandali ha before I go on my way to work. Dumaan lang ako.

    Dati dito sa bukid wala kaming napapanood na channel kungdi EBS lang o ang COPYMILYUCKS. since 2005 wala kami cable dahil lumipat nga kami sa bukid. nabuhay ako sa youtube kung saan ako nanonood ng Channel seven. I will admit since birth pa ata o panahon ni uncle bobs lucky seven club, sesame street, masks, thundercats at ng Gummi bears ay channel seven na ako. even our family grew up watching channel seven kahit lumipat noon ang eat bulaga. E di lalo na ngayon na nasa 7 uli ang Eat Bulaga.

    Why I dislike EBS? its because
    1. they own Meralco and di biro ang injustice ng presyo ng kuryente nila.
    2. They own Maynilad/Manila Water and di biro din ang kawalan nila ng rasyon sa ibang lugar.
    3. They own sky cable kung saan it is the only cable network na malabo ang reception ng channel seven which is a dirty tactic
    4. They also own the toll company sa NLEX which is mas mahal pa sumingil sa SLEX.

    The thing is napakadaming eskandalo kinasangkutan ng abs cbn na kahit isa don di nila nabigyan linaw like the ultra stampede, the wowowee game scam, the PBB controversies and so on and so forth. sa lahat ng kaso na isinampa nila laban sa 7 wala niisa dun ang nanalo. Research on that. Sa dami ng kontobersiya ng abs cbn including pirating stars, wla ni isa ang binigyan nila nglinaw tapos ngayon saka sila mahggdadadak dak about cleanliness and morality?

    Ive been watching Cannel sevensince last month kasi nagpakabit na kami ng satellite dish and they never really prioritize scandals as their main news di tulad sa abs na lahat na ata ng shows nila may topic tungkol sa scam. Ganyan kadumi lumaro ang ABS CBN. sometimes half truths are distorted to use as a tool for revenge. No wonder sinusunog ang ilan sa OB vans nila ng taong bayan at ng ibang rebeldebecause ever since they are biased with their reports. Kaya nga nakatikim si karen davila dati ng mura mula kay Susan Roces on air non eh and that was a classic!!!

    bakit ako Asar? kasi asar ako sa mga taong nagmamalinis. Remove first the speck on your eye before removing others’.

    I admit bias ako, dahil may dahilan. Tama sabi ng 7, they will stop answering the lies ofEBS if they will stop tirading them. Common sense nga naman. Ikaw ba magwawalang kibo ka na lang kung ikaw ay pinararatangan ng mali.

    with the track record of channel seven truly this station is really worth the motto of their current affairs department.

    Di ako showbiz pero pag pinagusapan ang EBS-CBN nagpupuyos ako sa galit sa sobra kakapal ng mukha ng mga lintek na yan. I mean not all of the employes etc but the people managing the channel and the PR people behind. YUng mga umi-idilo sa EBS magisip isip kayo dahil malaki na nga kaltas sa inyo sa kuryente at sa toll gate tapos ipapatronize nyo pa. LOL.

    LOGIC: nungnumber 1 ang abs cbn noon pero never kayo nakarinig sa kanila ng masasamang paratang sa abs. pero why now na 5 years na ang 7 na number 1? common snese! manonood ka ba ng Princess sarah ana ang artista ay si Carlos Agassi? o kaya ng PBB na walang ginawa kung magpahirap sa kontestant? ABS CBN has been hlding their hands dirty since day one. Tingnan mo mga politiko nila, me nagagwa ba? si Loren, Si Noli, Si Remulla, eh mga walang kwenta yang mga yan at pahirap sa taong bayan.

    The Witnesses that ABS CBN provided were terminated by RGMA before the height of the controversy because of various ethical, moral and professional lapses. Witnesses should have a blemish free credibility like Rodolfo Lozada in order to be convincing. Thats why sa mga ganitong controversy dpata talaga keen ang tao sa pagobserba. You don’t have to be a psychologist or a magna cum laude inorder to notice who is lying and who is telling the truth: it is a basic instinct of an intelligent and critical individual.

    I can defend EBS why not? but how can I if all of the scams and controversy that are surfacing are all blamed and pointed at their direction. Nagkataon lang na wala ni isa na kredibilidad ang EBS.

    I know marami magrereact dito sa comments ko, okay lang bahala pati kayo, basta ito opinyon ko lang at wala makakapigil LOL hahaha

    Oist salamat sa pagpost, nakapagcomment ako ng di oras LOL. I just checked the email and noticed you have a new post via the email sub. Its been a while since I went online tapos eto rant pa hahaha.

    PS. yuNG MGA MAKA tfc JAN, YOU ARE REALLY BEING FOOLED. The greatest comedy, soap and documentaries are on Channel 7. Dangan nga lang di nyo napapanood. Pero pagdating sa tsismis tama si malen, dun kayo sa EBS kasi walang alam yang mga yan kungdi gumawa ng intriga at kung ano anong katarantaduhan.

    I am never fond of showinesses pero when it comes to the credibility of the Station that has the greatest public affairs team assembled in Asia, ay jan ako magsasalita.

    http://youtube.com/watch?v=wyfLmJptBWI

    PEACE! (Salamat sa mga text, di ako nareply kasi nadating ako sa bahay gabi na at wala ako load. Di ko naman kailangan ng cell sa field kc may radio kami ginagamit. Ermitanyo mode!)

    Advance Happy Valentines mga KAPUSO ganun na din sa mga COPYMILYUCKS hahahahahahaha

    Pax Et Bonum

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Blupanjeet kapatid salamat sa pagdaan at buti naman nagparamdam ka. Ilang beses ka ba bumaba ng bundok? lol. Teka wag mong sabihin kasapi ka na sa mga kapatid natin sa kabundukan ha? Don’t tell me. In case naman, naku kapatid at least me kontak na ako sa bundok para sa mga adhikain ko lols.

    Oist maraming salamat sa post mo, este sa comment haha. Ang haba at ramdam ko ang poot at galit mo sa channel na sinasabi mo ha. Maraming salamat at nasabi mo ang dapat mong sabihin.

    See you soon brother! We miss you!

    [Reply]

  3. 3 joanjoyce (149 comments.)

    sa pinapanood mas madami akong pinapanood sa siete mas madami akong kilalang artista don kesa sa kabila pero kung sa ratings na ang pagbabatayan e iilang kabahayan lang sa mahigit milyong milyong tao ng pilipinas e di siguro kabilib bilib yun, sa nagsasabi ng totoo? di ko alam maaring ang dalawang estasyon e parehong biktima lamang ng pagkakataon. pero kung magsusuri sa history ng imahe ng dalawang istasyon, sa nagsasabi ng totoo at nandadaya e alam nyo na yun :D

    [Reply]

    itot54joni (143 comments.) Reply:

    honga.tama ka dun.gaya n laang ng ky wowowee gada taon e my controversy! :smile:

    itot54joni’s last blog post..A Perfect Gift This Valentine’s Day!

    [Reply]

    AMBO Reply:

    Kami dito sa bahay naman, basta magandang palabas kahit saan kami. 2 or 7. Pero yung mga kasambahay namin naku sa dos lahat. Ako naman basta horror yan ok sa akin yan :razz:

    [Reply]

    monaco (144 comments.) Reply:

    SILA dito sa bahay, mas partial sa kapamilya when it comes to telesrye, lalo na mom ko. ako naman di gaanong nanood ng mga drama. peor when it comes to news and docu, I prefer channel 7. I find their news more objective, wala gaanong subjectivity gaya ng dos. lalo na si korina! grabe. I don’t like her style of journalism. too brash and sensationalized.

    [Reply]

    AMBO Reply:

    Sila din dito sa bahay lahat ng soap opera nasa dos. Ako naman palipat lipat ng news hanggang mapunta sa wowow channel :mrgreen:

    [Reply]

  4. 4 itot54joni (143 comments.)

    ang puge kc ni richard e kya proud to be kapuso ako!ahehehe!d lng nmn yan ang unang beses ngkasuhan yan 2 yan.pagkakaalam ko e nanalo ang 7 noon.tama si reyna lahat namamanipula kahit nga itlog namamanipula eh!ahhhehe.buti na laang at may catv kami.la ako pake s kanila! :grin:

    itot54joni’s last blog post..A Perfect Gift This Valentine’s Day!

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Itot ano bang pinag awayan ng dalawang yan noon? Di ko kasi alam hehehe.

    [Reply]

    reyna elena (9 comments.) Reply:

    kakatuwa ka itot hehehe! eh kahit ako, kahit walang katorya toryang show, basta mukha ni richard andun, WATCH EVER ANG LOLA! hehehe

    reyna elena’s last blog post..Project: H.E.L.P. Basilan

    [Reply]

    itot54joni (143 comments.) Reply:

    libel din un case e.dko n tanda at wala ako pake alamin pa.ahehehe!

    OT: nagmistulang YM n tong coment mo ambottle.dapat taasan ang rate!ahehehe

    itot54joni’s last blog post..A Perfect Gift This Valentine’s Day!

    [Reply]

    itot54joni (143 comments.) Reply:

    @reyna ahehehe.wala n kc si angel dun e.tatmbay ako minsan s site mo.pede ga doon ang tagalog comment?

    @amborn bka s susunod e science n ang captcha mo dine.nahihirapan akong mg-add e.d kya ng powers ko. :grin:

    itot54joni’s last blog post..A Perfect Gift This Valentine’s Day!

    [Reply]

  5. 5 jessie (49 comments.)

    Ambo,

    Ganyan lang siguro tlga sa showbiz, bro. Sabi nga nila, “Good publicity, bad Publicity is still PUBLICITY”. Sino ang nakikinabang? Eh sino pa nga ba kundi mga networks din na involved dahil publicity sa kanila yun eh. Naging kultura na yata sa bansa natin ang ganitong kalakaran. Kung minsan kailangang magsiraan para maging sikat at magkaroon pa ng mas maraming pera. Nakakapanlumong isipin pero ganyan na ang tatak ng Pinoy. Sana man lang eh isipin din natin ang ibang tao una’t higit sa lahat bago ang mga sarili natin.

    jessie’s last blog post..Did Google Strip Your Page Rank Sooner than Expected?

    [Reply]

    AMBO Reply:

    Jessie, i agree. Naging bahagi na ng kultura na natin kasi ang gamitan. Sorry for the word, but i know totoo yun. I don’t know sa ibang aspeto at sa ibang bansa. Tama ka, publicity good or bad, pera yan eh. Basta pera usapan ibang level na yan, usually bad to make more money. :sad:

    [Reply]

    itot54joni (143 comments.) Reply:

    kung isa ako dun s nbigyan ng grocery at 500php e baka nakisympatya p ako s knila.ang gagaling nga nila pgdting s ganyan.ang mga brodkaster ngayon e nagiging imbestigador at the same time. d b dpt e tagabalita laang sila at di sila ang gagawa ng ibabalita.

    itot54joni’s last blog post..A Perfect Gift This Valentine’s Day!

    [Reply]

    AMBO Reply:

    Itots mamaya tanong ko yan ke Mareng korina. Magkikita kami mamaya haha.

    [Reply]

    reyna elena (9 comments.) Reply:

    korak jessie! korak yong kultura ever. ang simpling explanation ko dyan eh CHEEZEMAKS. eh di ba sina aling karing at aling edad eh talaga namang mahilig mag tsismis pag me tong-its di va?

    sa totoo lang, siguro planted yong ibang mga anomalya dyan kasi parehas naman sila makikinabang ever kamo! tingnan mo si joey at willy, they slap each other, and then watch the ratings! hahaha!

    reyna elena’s last blog post..Project: H.E.L.P. Basilan

    [Reply]

  6. 6 glitch (4 comments.)

    hay, masakit sa ulo intindihin ang ratings war ng 2 giant network. Ang importante, enjoy pa din tayo panoorin cla pareho. Pero sa tutut, kapamilya ako. Eat Bulaga at Imbestigador lang naman ang pinapanuod ko sa Channel 7.

    Off Topic: Ambo, napadaan ka po pala sa other house ko. Thanks po. Gulat naman ako dito, may contest pala. ahehe. Ingats po.

    glitch’s last blog post..Entrecard: You Drop, I Follow

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ glitch at ako mismo nagulat me other house ka pala hahahaha. Thanks for dropping. balato sabihin mo ke sis haha

    [Reply]

  7. 7 manilenya (92 comments.)

    heheheh kanina pa pala ako dito di ko napansin lol!

    manilenya’s last blog post..Date with my PC

    [Reply]

    AMBO Reply:

    E kasi naman Mommylenya kung san san ka nakatingin. hahaha. O anong masasabi mo sa isyu na to? Nakarating ba sa yo ang balitang ito?

    [Reply]

    manilenya (92 comments.) Reply:

    hindi…inaantok na ko e alas dos disisyete na kaya lol!!
    wala ako tfc o pinoytv kaya wala ako alam dyan e :( la na ko balita sa pinas unlike nung nasa singapore ako lahat ng tsismis alam ko :(

    manilenya’s last blog post..Date with my PC

    [Reply]

    monaco (144 comments.) Reply:

    suwerte mo nga manilenya at hindi ka exposed sa litanya ng dalawang stations. puro na lang tirahan sa ere, nakakasira ng mood kung minsan.

    [Reply]

    reyna elena (9 comments.) Reply:

    EEEEK! MELAI! PANG TEEN-AGER ANG BOSES NANG MELAI!!! thanks ever at nagkausap tayo habang may i watch kami nang mga nag-ke-kendingan sa harap namen ni Chuva! Yaan mo lalabas ang istorya dun sa palasyo! hehehe

    Sorry po Ambo: Na off topic ako! hehehe

    reyna elena’s last blog post..Project: H.E.L.P. Basilan

    [Reply]

    toni/nonblogger Reply:

    ate melai pg gusto mo nood punta ka ng youtube, eh di ba gusto mo ata ung marimar..check mo dami daw post don.

    [Reply]

    manilenya (92 comments.) Reply:

    hehehe swerte ba ako at wala akong nababalitaang balita tungkol sa pinas ngayon prend monaco?..di rin kasi wala ako maipost lol!

    manilenya’s last blog post..Date with my PC

    [Reply]

    manilenya (92 comments.) Reply:

    tonitot, la rin kasing time e…saka di ako mahilig sa youtube. usually kasi mga docu at news lang yung mga pinapanood ko sa tv noong nasa pinas pa ko.

    hayy wala akong layf :(

    manilenya’s last blog post..Date with my PC

    [Reply]

    toni/nonblogger Reply:

    te melai ibig ko sabhin eh mron mga segment sa youtube ng mga soap opera na yan kc mrami ako laam don nood ng marimar.
    khit pasaglit saglit magagawa mo nood don bsta me internet connection ka.

    hokey lang yan ate pareho naman tayo alang layf.

    [Reply]

    manilenya (92 comments.) Reply:

    kailangan yata toni mag isip na tayong dalawa kung paano magkaroon ng layf lol…nakakabato na rin diba? :) hehehe teka baka maging telenovela tong entry ni daddee ambo :)

    manilenya’s last blog post..Date with my PC

    [Reply]

    manilenya (92 comments.) Reply:

    lol!! kagandahan sana pati fez ko pang teen ager dating ano ang saya siguro nun lol!! hehehe aabangan ko yun mare ..pero sya nga pala antayin mo bills ko hehehe babayaran mo nga text messages ko saka yung incoming call ko galing sayo lol!

    sensya na daddee ambo off topic ulit :)

    manilenya’s last blog post..So jaded

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Mommylenya at Toni, yung talaga nag chichismisan hahahaha. :mrgreen:

    [Reply]

    manilenya (92 comments.) Reply:

    mwaheheheh sensya na daddee ambo lol! kung saan kasi kami magkita nitong si Toni e di naming maiwasang magka ututang daliri e lol!

    manilenya’s last blog post..So jaded

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Mommylenya aba aba magkapit bahay ba kayo? :mrgreen:

    [Reply]

    manilenya (92 comments.) Reply:

    daddee ambo, pareho kaming nasa canada pero nasa magkabilang dulo kami ng Canada..magkaiba nga oras namin e lol! baka pareho lang ang pamasahe from pinas hanggang dito saka from dito hanggang kina Toni :)

    manilenya’s last blog post..So jaded

    [Reply]

    toni/nonblogger Reply:

    tutut po un, ang ate melai nasa lunsod ako dine sa likod.

    [Reply]

  8. 8 Blogoloco (44 comments.)

    Ban na yata ako dito. Lahat ng comments ko wala.

    Blogoloco’s last blog post..Mind your Back

    [Reply]

    AMBO Reply:

    Ahahaha ewan ko bat laging nasa spam ang comment mo Blogoloco. Peborit ka ni Akismet hahaha.

    [Reply]

  9. 9 itot54joni (143 comments.)

    off topic: nakasali na naman ako sa pautot.makikiboto po uli.makiclick n laang nong image n nsa sidebar ko.thanks po!

    itot54joni’s last blog post..A Perfect Gift This Valentine’s Day!

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ itot ano un? ung project wonderful?

    [Reply]

  10. 10 Bro.Bren (1 comments.)

    proud to be kapuso ako eh.. hehehe anyways, gusto ko settle nalang nila sa court yan.. naiinis akong panoorin kanya-kanyang statements nila.. =)

    Bro.Bren’s last blog post..JE # 38 - “Worth It” Skit

    [Reply]

    AMBO Reply:

    I agree Bro. Ben. Pareho kayo ng name ng dad ko. Thanks for dropping. See you around. :grin:

    [Reply]

  11. 11 joy (79 comments.)

    Hay naku. Eh ratings lang naman yan eh. I don’t think these things really measure who’s got the best shows. I suppose the advertisers pay attention to the ratings and that’s why there is this war. It all boils down to money. Pero sa totoo lang eh ang babaw ng isyu! Wala na bang ibang pwede pag-usapang sa Pilipinas? Like world peace and making poverty history? :D

    O kaya, gayahing ang BBC dito. Walang commercials! Yung nga lang we pay a TV license each year. Pero ang saya naman, ang radio shows nila at TV shows walang advertisements!

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo

    joy’s last blog post..An American Stonehenge

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Doc Joy bottom line is money. I agree. Don’t worry i’m gonna research about poverty in the Philippines very soon! :mrgreen:

    [Reply]

    reyna elena (9 comments.) Reply:

    punta ka sa bahay nang mga walanghiyang mga pamangkin ko sa antipolo. pinag-aral mo na’t pinag-apartment pa, mga ayaw maghanap nang trabaho at gusto puro ulan nang pera. dun ka mag-research Ambo. Pinili nang mga ungas na maging poverty. grrrrr.

    reyna elena’s last blog post..Project: H.E.L.P. Basilan

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Reyna mukhang matindi ang galit ah. :mrgreen:

    [Reply]

  12. 12 monaco (144 comments.)

    ang masasabi ko lang jan, UUUUUUUUUUtang na loob! tigilan na nila ang tirahan sa TV. rinding rindi na ako! every commercial break na lng meron plugging about witnesses at king anoano pa! grabe. tapos sa news meron din, tapos sa mga docu nila meron din. nakaka inis na. tayong mga viewers and talo sa palagay ko, kasi tayo ang nagsu-suffer sa litanya nilang hindi tayo dapat kasali. what we ask from them is just a simple thing: give us shows that is worth watching, quality or otherwise, basta enjoy. yun lang. wala tayong pakialam kung sino ang mas mattas ang rating, advertisers ang may pakialam dun. so leave us out of this contoversy. sa korte na lng ang laban. huwag sa ere! just inform us kapag tapos na ang kaso kung sino ang talo at panalo. tapos!

    ay, ang sakit sa didbdib nun ah! o baka naman masikip lang ang t-shirt ko? LOL

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Dadimon natawa talaga ako sa comment na to. Bagay kang maging comedian hahahaha. Ang puso dadimon. :mrgreen:

    Tingnan mo lang, kahit sa korte pa yan, televised pa din hahahaha. Walang lusot!

    [Reply]

  13. 13 tapsiboy (2 comments.)

    we’re a victim of TV.

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Tapsiboy i know what you mean. :grin: :grin: Thanks for posting. :wink:

    [Reply]

  14. 14 Winston (10 comments.)

    kuya ambo…ayoko ng mga issue nila. napakababaw at hindi dapat pag-aksayahan ng oras. nag-aaway eh pareho naman di kagandahan ang dalawang channel na ‘to. habang tumatagal..lalong nagiging walang kwenta at baduy mga pinaggagawa nila.

    Winston’s last blog post..Thinking about work

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Winston, tama ka jan kaya lipat na tayo ch 13 at ch 4 meron pang mga sense palabas dun. :grin:

    Btw, ililipat mo na ba ang batang yagit sa wordpress? abangan ko yan hehehe.

    [Reply]

    Winston (10 comments.) Reply:

    wala pa pong oras. hahaha..medyo busy pa sa school. graduating kasi. maybe pag may oras na ako. i’ll design my own theme and use wp for batangyagit.

    Winston’s last blog post..Thinking about work

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Winston well that’s good! Welcome to the community. Goodluck sa schooling and advance happy graduation. Congrats!

    [Reply]

  15. 15 toni/nonblogger

    basta ako walang kinalaman sa usapang yan, bihira naman ako manood.

    grabe blog mo ambo palagi daming visitor, ngaun lang meron 15 readers online. hindi pa ata ako naligaw dito na walang aabutang tao.

    [Reply]

    AMBO Reply:

    @ Toni oo nga eh. o hayan kasama ka na sa top 10 magready ka ng ng paypal account mo hahahah

    [Reply]

  16. 16 joy (79 comments.)

    Ambo ha, dumadami ata nagko-comment. O ayan, volume traffic talaga! :D Sino kaya mananalo ng top prize this month? Hehe.

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo

    joy’s last blog post..Scammed By A Filipina?

    [Reply]

    AMBO Reply:

    kaya nga doc joy. at naglagay na ako ng anti-spam ang daming spammers hahaha. thanks jessie!

    [Reply]

  17. 17 Jack (1 comments.)
  18. 18 angelofthewaters (16 comments.)

    Isa lang ang sagot ko…

    “PROUD TO BE KAPUSO!”

    hihihi

    [Reply]

  19. 19 dith

    kapamilya pa rin kamiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii

    [Reply]

  20. 20 Ed _of_Davao

    KAPAMILYA KAMI SINCE BIRTH

    [Reply]

  21. 21 Ed _of_Davao

    there is no such term as “KAPUSO”…… DAGDAGAN MO NA LANG NG ATAY, BAGA AT BITUKA PARA ULAM NA.

    [Reply]

  22. 22 dark_amber (1 comments.)

    I’m a kapamilya but i also watch kapuso shows esp. documentaries like i witness, sine totoo and etc. i also luv SOP, Showbiz CENTRAL, Pinoy IDOL, etc. the rest sa ABSCBN na. Sa U.S.A. kasi hndi isyu kung anong network ka, if u are watching NBC, CBS, ABC, Fox, UPN, or WB. I personally don’t care about those TV ratings coz it just represents the whole not the whole itself at isa pa i don’t trust AGB Nielsen or evn TNS Phils, what i believe is that both networks are victims of these research companies.,

    [Reply]

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Leave a Reply