Find Your Favorite Movies Here. Wacth Now for Free!
Powered by MaxBlogPress 

The Philosophy on Love


thephilosophyofloveSabi nila tanga daw ang Pag-ibig pero ang sabi ng iba mas tanga ang umiibig ng nagbubuglag-bulagan. Maiba naman tayo, ito ang tinatawag nilang The Philosophy of Love.

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo
para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng
iba..”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo
kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang
pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay
mo.. Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao
rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka
naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa
mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan
kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,
malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon,
mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang
kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga
crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay,
kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida
sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag
nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang
makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng
hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin
ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang
hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit?
Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo
sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang
tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa
lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag
nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

Related posts:

  1. Reaction to INC Holiday Tomorrow on plurk September 7, 2009 was declared by Malacañang as a national day of mourning for the late Iglesia ni Cristo (INC)...
  2. Ano Ka Sa Pastlife Mo? Hay nakakapagod ngayong maghapong to kakalakad sa buong bahay hehehe. Baba akyat lang ginawa ko sa dami ng nag-do doorbell...
  3. Blog Sagot sa Kahirapan? Kung iyong iisipin ang sagot sa tanong na ito (Blog Sagot sa Kahirapan?), ano ang unang isasagot mo? Ang sagot...
  4. Round 1: Estrada, Guilty! The Sandigan Bayan court said, Former Philippine President, Guilty beyond reasonable doubt. Ngayong umaga napanuod ko ang hatol kay Erap,...
  5. Ang Pinay sa Buhay ni Pinoy Ambisyoso Una ko siyang nakilala noong unang araw ng ako’y umiyak at namulat. Ngunit masakit man isipin, noong unang araw na...

Filed Under: Personal

Tags:

RSSComments (18)

Leave a Reply | Trackback URL

  1. susi says:

    hello. Nice one! bigla tuloy akong napaisip kung si Bob Ong ay nagiging si Ambo pag lumunok ng bato! hehe

  2. joycee says:

    valentine’s day is soo in the air! nyahaha, inlabs? Merry ChHRISTmas k uya Ambow!

  3. AMBO says:

    Thanks everyone! Merry Christmas to you all!

  4. antipatika says:

    senti?! :) kala ko february na. hehehe!

    Merry Christmas! :)

  5. juler says:

    Ambo parang nabasa ko ito sa libro ni Bob ONG hehehe… Merry Christmas bro… Godbless and Good day… Bati na kita busy na mamaya am sure.

  6. ruthie says:

    Bumabati lang ng…..Merry Christmas AMBO!!!!

    Enjoy enjoy na lang ha!

  7. pusa says:

    merry christmas kapatid… hope you’re enjoying the holidays :D

  8. edelweiza says:

    very true..but it’s ironic that the rules here are so hard to obey…haha…what can we do…it’s L-O-V-E!

    merry Xmas! :)

  9. Roy says:

    kita ko ‘to sa cellphone ng anak ko a, hehe…

    anyway, just bloghopping here to greet my blogger friends…

    Merry Christmas and Happy New Year!

    Roy

  10. Ely says:

    Bitter? Akala ko tuloy balentyms day na. hahaha.

    Merry Xmas muna!

  11. Snow says:

    Whoever wrote those philosophy, I can certainly feel the pain that he is going in through. Sometime in my life kasi nagkaganyan ako. You know what awaken me? Inisip ko lahat-lahat ng masasamang ginawa niya sa akin para hindi ko na siya maalala pa. Tsaka bahala na si God sa kanya, siya naman ang magdadala lahat nun hindi ikaw.  Ambo, cheer up bro! Merry Christmas and stay happy always!

    Snow ^_^

  12. reyna elena says:

    just wishing you the best of the holidays ambo! merry christmas!

  13. Nilo says:

    Ang lahat ng nilalang ay nilikha ng may kapares, katulad sa tao..ang bawat parte ng katawan ay may kapareha, ang ibig sabihin kung may kanan ay meron ding kaliwa, it is a matter of choice, mamimili ka lang kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo…kaya nga dapat pag-isipan lahat ng gagawin para sa huli di ka magsisisi kasi pinili mo yun ;)

  14. kengkay says:

    happy valentine’s eheste meri krismas pala!

  15. Inspired ang iba jan?… Pasko ngayun ah.. malayo pa ang valentines day..uy

  16. BURAOT says:

    nakanaks, peborit mo pala yung bobo kong kebigan. hakhakhak!

    meri krismas ambo!

  17. bluep says:

    *off topic again

    pare magonline ka naman. may importante lang ako itatanong about domains. promise madali lang. now na

  18. itot says:

    huwow inlovebabo si ambo.ahehehe!uy salamt kanina.pahamak un paypal xilab na yun,nagkaprob tuloy paypal ko.pero okay na uli,may pending case nga lang na need pa iresolve.

    itot’s last blog post…ate glow at borax obama tv ad

Leave a Reply