Pinay Domestic Helpers in Jordan
pinoyambisyoso.com | May 26, 2008 | Comments 17
|
|
Isang nakakaantig na dokumentaryo ang ipinalabas ng ABS-CBN kagabi ang Runaways : Human Trafficking in Jordan. The documentary showed the current situation of our Pinay Domestic Helpers working in Jordan.
Isang makabuluhang pagsasaad ng mapapait na sinapit ng ating mga Pinay Domestic Helpers working in Jordan. Ang karamihan sa mga nagtatrabaho doon bilang “maid” ay minaltrato ng kanilang amo. Isang hindi makataong pagtrato sa ating mga kapwa Filipina workers na naghahanapbuhay doon.
Ang ilang mga menor de edad ay pinauwi na dito sa Pilipinas with the help of Senator Manny Villar. Ngunit ang mga naiwan ay pawang naghihintay na lamang ng isang himala upang makauwi sa bansa.
Bakit hinahayaan ng ating gobyerno ang ganitong mga hindi makataong sinasapit ng ating mga kababayan lalo na sa Jordan? Ang kasong ito ay hindi lingid sa kaalaman ng ilang opisyal sa gobyerno.
Ang Jordan ay nangunguna ngayon sa mga bansa sa Middle East na may pinakamarami at pinaka worst na pagmamaltrato sa mga Pinay Domestic Helpers.
Isa sa mga nakakalungkot isipin ay walang batas na maaaring magprotekta sa ating mga Pinay Domestic Helpers working in Jordan. Isang kasalanan o paglabag sa batas ng mga Arabo ang makisalamuha sa mga lalaking hindi kaano-kano maliban sa mga kamag-anak. Para sa mga Arabo, ang paglabag sa batas na ito ay isang kawalanghiyaan at pagyurak sa kanilang kinalikhang kultura.
Kaya mababa ang tingin ng ilang mga Arabo sa ating mga Pinay Domestic Helpers dahil sa batas na ito. Na ang mga DH ay nakatira mismo sa bahay ng kanilang mga amo. Kaya malaya ang ilang mga Arabong gawin ang kanilang nais sa mga Pinay natin. Andyan ang kaso ng mga panggagahasa, pambubugbog at pananakit sa hindi makataong paraan. Hindi siya itinuturing na marangal na babae dahil siya’y naninilbihan sa mga lalaking hindi niya kamag-anak, isang “taboo” o paglabag sa kulturang Arabo.
Ano nga ba ang dapat gawin ng gobyerno sa ganitong mga sitwasyon na kung saan ang nakasaalang-alang ay ang mga buhay ng ating mga kawawang kababayan na ang hangad ay magandang buhay ngunit buhay at puri ang kapalit?
Hanggang kailan matatapos ang mapapait na karanasang ito ng ating mga kababayang kung hanggang ngayon ay walang malinaw na batas na magsisilbing protection sa ating mga OFW’s na naghahanap-buhay sa ibang bansa?
Watch this Runaways: Human Trafficking in Jordan
Related posts:
- BBC Racist Show Against Filipina Domestic Helpers Needs an Apology? The House of Representative demanded an apology from a British Broadcasting Company (BBC) Comedy Show Harry and Paul. The portrayal...
- Pasko Na Uli Kabayan Pasko Sa Pinas. Ang sabi ng iba ang Pasko ay hindi lamang tuwing Disyembre. Ito daw ay isang pagtitipon at...
- Pinay Beauties | Hubad na Pinay 5 Pinay beauties are in Guangxi, China to represent the Philippines in the 3rd Asia Supermodel Contest to be held...
- Blog Sagot sa Kahirapan? Kung iyong iisipin ang sagot sa tanong na ito (Blog Sagot sa Kahirapan?), ano ang unang isasagot mo? Ang sagot...
- Ang Pinay sa Buhay ni Pinoy Ambisyoso Una ko siyang nakilala noong unang araw ng ako’y umiyak at namulat. Ngunit masakit man isipin, noong unang araw na...
Filed Under: OFW



























It’s so sad some of our kababayan experience this maltreatment. They have already sacrifice their chance to be with their families her to get a greener pasture, yet, once they are in a foreign land, they are maltreated.
MetropolisMoms last blog post..Under The Sun
Metropolismom thanks for sharing your thoughts.
AMBOs last blog post..Manila Ocean Park Visit
My sisters are both OCW’s. I (of course) get worried every time i read and hear news like this.
Government? Nakow, kahit klan, hindi maasahan ang gobyerno naten. Not in a million years!
Elys last blog post..Drama
Ely yan nga ang nakakatakot, wala ng pag-asa dito sa atin. Sankatutak ang graft and corruption, dumadami ang mahihirap at dumadami naman ang mayayaman sa gobyerno huh.
Ambos last blog post..Sea Gypsies
I didn’t see the docu last night but I have seen some these cases in the news. Nakakaawa talaga.
I know Manny Villar is helping them but I can’t help but think that he is also using them for political gain?! Kung gusto lang niyang tumulong, bakit iginawa pa ng commercial?
Dadimon don’t worry ipapalabas uli sa Monday ang docu na ito. Dahil siguro madami ang hindi nakapanuod. Speaking of Manny Villar and other soon to be presidential candidate, magsitigil nga kayo ang aga pa eh! hahahaha
Ambos last blog post..Sea Gypsies
masamang balita na naman yan… tsk tsk.. nag-aapoy na naman tenga ko…
blueps last blog post..The early death of Pinoy Idol (Ep. 8, 9 & 10)
Oo nga bes. Nung napanuod ko ang docu na ito naawa ako sa mga kababaihan natin duon. Yung iba dun mga college graduate pa talaga. Pero sa kasamaang palad ito pa ang sinapit.
Ambos last blog post..Sea Gypsies
Hindi ko maintindihan bakit pa nagpupumilit ang ating mga kababayan na mga babae na pumunta sa parte ng middleast, ganoong me nangyari na noon na karumal dumal sa isang pinay.They treat them bad,raped them,beat them up and killed them. Tapos when something bad happened to them, gobyerno ang me kasalanan? I hate politics but I guess its time for us Filipino to wake up naman.Pag pinigilan ang paglabas ng OFW naiinis sila sa gobyerno.Pag me nangyari naman sa kanila, galit pa rin sila sa gobyerno. Diba kailangan magsimula tayo sa sarili nating mga paniniwala at panindigan.Walang kinalaman ang gobyerno sa bawat life ng isang tao.Nakakalimutan nyo na ba ang kasabihan na “what makes you happy….makes you sad.” Di baleng mamatay sa gutom wag lang sa maabuso ng ibang tao at tratuhin kang hayop. Pasensya na po..sariling opinyon ko lang po eto…
I understand Agot. Pero hindi din naman natin masisi ang ilang kababayan natin na sa halip na magutom ang pamilya ay kumapit na lang sa patalim. Meron din namang mga kababayan natin sa Jordan ang sinewerte.
Ambos last blog post..Sea Gypsies
sana gumawa ng paraan ang gobyerno.. nakakaawa sila.. sana makatulong ang mga post na ganito para makuha ang atensiyon ng mga nasa gobyerno. wake up!
Sana nga kapatid na Joliber. Dapat talaga maisulat ito ng ibang bloggers para mabigyang pansin kahit konti.
Ambos last blog post..Sea Gypsies
nung nasa dubai pa ako laging may mga ganitong balita sa mga dyaryo dun. nakakaawa at nakakalungkot isipin pero ang gobyerno natin pinagyayabang pa na marami silang naipadala abroad…kulang lang talaga sila sa protection…
btw, add kita sa blogroll ko ha kung ok lang
dakilang islanders last blog post..Mga Kabayang Pasaway
Nung nasa Bahrain ang sister ko ang sabi nya di na bago sa hotel nila ang mga Pinay na nagtatago sa amo nila. Kitang kita nya kung paano ang hirap na sinasapit ng ating mga kababayan dun. Dapat talaga pag ukulang maigi ito ng pansin ng pamahalaan natin.
Isa pa ngang nakakainis isipin yang pagmamayabang ng gobyerno na kesyo ang daming Pinoy ang naipadala abroad pero pagdating naman sa protection kulang na kulang.
Sige bro add din kita sa blogroll ko. Thanks thanks kabayan!
AMBOs last blog post..Pinay Domestic Helpers in Jordan
don sa forum ko madaming ofw e at sabi nila ung mga runaway na pinoy sa saudi, umg mga tumakas sa mga amo nila makikita mo lang daw sa ilalim ng tulay, kaya if ang gobyerno gusto talaga tumulong sa mga ofw puntahan lang nila sa ilalim ng tulay nakakalat lang sila don naghihintay ng tulong
joanjoyces last blog post..Kids with Dogs
Joanjoyce saang particular na tulay kaya ito? For the benefit of some readers. Thanks.
AMBOs last blog post..Pinay Domestic Helpers in Jordan
kawawa naman sila! Kaya ako mag-aaral ako ng mabuti para di ako mapunta sa ilalim ng tulay someday.