Are You an Overseas Filipino Worker? Share Your OFW Stories at Pinoy Ambisyoso. Read Full Article Here.
Powered by MaxBlogPress  
Home | About | Archives | Advertise Here | Exchange Links | Contest Page | Entertainment | Technology | Photography | Contact



Pilipinas Kong Mahal

Pilipinas Kong Mahal. Aking inihahandog ang entry na ito sa lahat ng ating mga kababayang nagsikap at naghangad ng kapalaran sa ibang bansa. Ang mga Overseas Filipino Workers, mga Immigrants, at iba pang mga Pinoy na nasa ibayong dagat. Ito po ay para sa inyo. Anumang hirap ang dinanas mo Kabayan, ano mang pagsubok, naiwan man natin ang ating pamilya sa ating bayan, alam kong muli kang magbabalik.

Kung naghihirap man ng ating bansa. Kung may mga kaguluhan. Mga sakuna. Iba pa rin kapag nandito ka, kasama ka namin sa Pilipinas. Ito lang ang maliit kong paraan para hikayatin kang muling bumisita, kahit saglit dito sa Pilipinas.

Alam mo, miss na miss na kita. Alam ko naman, miss mo na din ako. Dalawin mo naman ako. Hihintayin kita - Pilipinas


Di ba tayo’y narito upang maging malaya
at upang palayain ang iba
Ako’y walang hinihiling
Ika’y tila ganoon din
Sadya’y bigyang-laya ang isa’t-isa

Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam
at habang magkalayo papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang bawat simula ay siya ring katapusan
May patutunguhan ba ang ating pagsinta
Sa biglang tingin kita’y walang kinabukasan
Subalit di-malupig ang pag-asa

Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam
at habang magkalayo papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam
at habang magkalayo papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo
Sa magkabilang dulo ng mundo

Words & Music : Joey Ayala

At ikaw na narito sa ating bayan, halika’t magtulong-tulong tayong itaguyod ang ating bansa. Ang tangi kong hiling, sana’y magkaroon na tayo ng pagkakaisa. Anuman ang iyong antas sa buhay, ang mahalaga tayo’y kapit-kamay na itaguyod ang ating mahal na bayan.

Pilipinas Kong Mahal by Pinoy Ambisyoso.


Email this post Email this post

Share This Post

You Can Find Similar Posts Here :

Readers Comments

  • joy posted: 19 Nov at 7:13 pm

    That is so serendipitous! Did you listen to Usapang Pinoy last Saturday? I played that very same song. Love that song! I hope you can tune in this Saturday coz I’ll have the Consul General of the Philippine Embassy in the studio with me.

    And of course, my heart will always be with migrant workers, as my father used to be an OFW. I met up with PINAS (Pinoys in Norwich Aksyon Samahan) members yesterday. We’re hoping the organisation will be able to create projects that will help more Pinoys in the community.

    By the way, please go to http://www.thegoddessinyou.co.uk/ and read the TWELVE MONTHS post. I have tagged you and that’s where you will find the rules. I look forward to reading your response to that meme. Do let me know please when you’ve done it. Have a good week!

    joy
    The Goddess In You

    [Reply ]

  • AMBO posted: 19 Nov at 7:28 pm

    Hi joy,

    Oh i don’t know if my comment was posted in your blog. I already did. Btw, my apology for not tuning in last Saturday. I’ll make it up again next time. Thanks for the tag.

    Cheers,

    Ambo

    [Reply ]

  • joy posted: 19 Nov at 8:00 pm

    Hi Ambo, sorry I didn’t get your comment. Thing is you have to register to post comments Also, where did you do the meme? Coz I tried looking for a post on it on your blog but I couldn’t find it. Is it on your other blog?

    Magparamdam ka this Saturday ha

    Kumusta na ang ating southern get together? May date na ba? May pipol na ba?

    joy
    The Goddess In You

    [Reply ]

  • AMBO posted: 19 Nov at 8:57 pm

    Hi Joy,

    Naku di ko pa nagawa yung meme. Kaya nahirapan kang hanapin dahil wala pa. Haha. Don’t worry i’ll make it soon.

    [Reply ]

  • Meeya posted: 20 Nov at 12:41 am

    hi ambo, thanks for sharing this. bilang isang pinoy na malayo sa mga mahal sa buhay sa pilipinas, naa-appreciate ko ito. pikat mata muna sa lungkot, para sa ikagaganda ng kinabukasan muna. balang araw uuwi din kami, pangako.

    Meeya’s last blog post..Bells On His Beard

    [Reply ]

  • AMBO posted: 20 Nov at 3:27 am

    Hi Meeya,

    Walang anuman kabayan! I’m happy na na-appreciate mo ang panawagan kong ito. Maraming salamat. Sana’y makabalik kang muli dito. Godspeed.

    [Reply ]

  • eli posted: 20 Nov at 7:42 am

    pareng ambo,
    ang galeng mo naman! bilib ako sa ‘yo!
    mabuhay!

    eli

    eli’s last blog post..Kakaibang iba!

    [Reply ]

  • JP aka Elmo posted: 20 Nov at 10:44 am

    ***singing
    Ang bayan ko’y tanging ikaw
    Pilipinas Kong Mahal
    Ang puso ko at buhay man
    Sa iyo’y ibibigay

    Tungkulin kong gagampanan
    na lagi kang paglingkuran
    Ang laya mo’y babantayan
    Pilipinas kong Hirang…

    Saludo ako sa mga OFW!
    Mabuhay ka kuya Ambo!

    [Reply ]

  • AMBO posted: 20 Nov at 11:09 am

    Hi Eli,

    Kapatid maraming salamat. Yan ang Pinoy! Rock and roll! lols

    [Reply ]

  • AMBO posted: 20 Nov at 11:13 am

    Hi JP,

    Bunsoy dapat manahin mo sa akin ito ha lol. Mabuhay ka din kapatid.

    [Reply ]

  • pusa posted: 20 Nov at 11:27 am

    huwaaa kakaiyak naman tong post na to!
    mabuhay ka lav, at ang lahat ng pilipino wherever they may be.
    kaya ayaw ko umalis ng pinas eh

    N.B. first time ko narining tong song to ang ganda

    pusa’s last blog post..cats

    [Reply ]

  • AMBO posted: 20 Nov at 12:43 pm

    Hi Pusa,

    Ako di nga naluha ng unang madinig ko ang song na ito. Ang ganda ng kanyang lyrics. Pinoy na Pinoy.

    [Reply ]

  • Schumey posted: 20 Nov at 6:23 pm

    Ang nakakalungkot ay ay parang wala na sa puso ng Pilipino ang ating bansa. Nawa’y manumbalik ang tunay na pagmamahal sa ating kapwa Pilipino. Sa panahon na muling naghahari ang katiwalian at pang-aabuso, tumayo tayo at iwaksi ang ang kasamaang ito.

    [Reply ]

  • AMBO posted: 20 Nov at 7:00 pm

    Hi Schumey,

    I like what you’ve said. Kaso ang problema ng karamihan, kabi-kabilang paghihirap na ang dinaranas kaya naman napipilitang umalis sa bansa natin. Kapwa Pilipino, ang sumisira sa bansa natin. Kailan kaya ang panahon na sinasabi mo? Kung mangyari man yun, tingin ko matagal na panahon pa.

    [Reply ]

  • droidz posted: 20 Nov at 9:01 pm

    Tamang emo… Naaalala ko, hindi pa sikat si joey Ayala noon, ito ang orihinal na lovesong ng mga aktibista, circa early 1990s. Ngunit sa nagbabagong mundo, bagay na din ito sa mga long-distance love affairs… higit sa lahat, sa mga OFWs.

    Hindi lahat ng migranteng Pilipino (hindi lang OFWs, pati mga immigrants at refugees) ay wala na sa puso ang kanyang bayan. Usapin lang talaga ito ng kabuhayan, at sa maliit ng antas, ng seguridad. Kung dumating na ang panahon na ang ekonomiya at lipunang Pilipino ay may sapat nang kakayahang buhayin ang kanyang mamamayan sa loob ng bansa, uuwi naman tayong lahat, bakit nga hindi?

    Pero siempre, pinagtutulong-tulungan na buuin at itayo ang bukas na ‘yon, hindi hinihintay lang. At kahit nasa ibang bansa tayo, tiyak, mayroon tayong magagawa…

    Salamat Ambo for keeping us grounded.
    Peace to everybody
    droidz

    droidz’s last blog post..Alimuom

    [Reply ]

  • AMBO posted: 20 Nov at 9:48 pm

    Hi Droidz,

    Sarap naman pakinggan ng mga sinabi mo Kapatid. Maraming salamt sa pagbisita. Balik ka uli kapatid. Godspeed.

    [Reply ]

  • BURAOT posted: 20 Nov at 11:56 pm

    *hikbi* *hikbi*. uwi na ko sa pinas. huhuhu! ganda slide show mo ka ambo. nga pala, tenks! lakas ko sa yo, 2 blog ko nasa blogwatch mo. tenkyu ulit.

    [Reply ]

  • BURAOT posted: 21 Nov at 12:01 am

    hmnnn. mukhang lumalabas ang mga kulay natin, ha ka ambo? apir!

    hehehe. tama si droidz, kahit marami sa tin, iniwan na ang pinas, di ibig sabihin, di na natin ito mahal. labs pa rin sempre. madalas, dala lang ng pangangailangan.

    [Reply ]

  • AMBO posted: 21 Nov at 12:02 am

    Hi Buraot,

    Hehehe walang anuman Ka Buraot. Sagwa pakinggan lols. You’re welcome kapatid. Anytime!

    [Reply ]

  • AMBO posted: 21 Nov at 12:12 am

    Hi Buraot,

    Tama ka dyan kapatid! Tsaka di ko naman sinabi na umuwi na dito eh, kahit dalaw lang okay na yun! With matching M & M’s ha. lols

    [Reply ]

FEEL FREE TO COMMENT HERE

Get Chitika Premium