Pasko sa Pinas. Ang sabi nila, ang Pilipinas na yata ang may pinakamahabang selebrasyon at pinakamasayang Pasko sa buong mundo. Nakasanayan na natin na kapag sumapit na ang unang buwan na nagtatapos sa “Ber” o ang September, nangangahulugan, malapit na ang Pasko. Ang iba naman nagsisimula na ng mga dekorasyon, namimili na ng mga regalo at kung anu-ano pa, mapaghandaan lamang ang Pasko. Para sa ating mga Filipino, ang Pasko ang pinaka engrandeng Piesta ng buong taon. Ito ang panahon ng bawat pamilya na magsama-sama, panahon para magbigayan, panahon para sa kasiyahan, pagkain, at pagkakaibigan. Tradisyon mang maituturing, ang Pasko pa rin ang pinakamasayang selebrasyon sa ating mga Filipino.

Noong bata pa ako madaming bagay ang itinuro sa akin ng ating kultura sa tuwing sasapit ang Pasko. Nangingiti na nga lang ako kapag sumasagi sa aking isipan ang mga alaalang naging bahagi na ng aking buhay. Ikaw? anong naaalala mo sa tuwing sasapit ang Pasko? Kabayan halika’t ating isa-isahin ang mga bagay at tradisyon na makikita dito lamang sa Pilipinas sa tuwing sasapit ang Pasko.
Sino nga bang makakalimot sa Simbang Gabi.Noong bata pa ako, halos buong Barangay nagkikita sa simbahan makumpleto lang ang Simbang Gabi. Pero ngayon, nakakalungkot, iilan na lamang ang mga gumugunita sa pagtitipong ito.

Sa tabi ng simbahan eto ang mga nagsasarapang Bibingka at Putobumbong. Pero ngayon, kahit saang sulok ng kalye makikita mo ang nagsasarapang mga pagkaing ito. Kahit hindi araw ng Pasko, matitikman mo ang sarap ng lutong Pinoy na ito. Yun nga lang, nakakalungkot isipin, sa hirap ng buhay ngayon, ang ilan ay hindi na tulad ng dati. Ngayon, karamihan sa kanila, naglalasang harina na.


Ang mga nag-gagandahang mgaParol tiyak hindi mo malilimutan ito. Naalala ko pa noong bata pa ako, gumagawa kami ng Parol para isabit sa aming bintana. Sa aming eskwelahan, isa sa mga proyekto namin gumawa din ng parol. Ganyang-ganyan sa larawan ang mga unang parol na nakita ko.

At dahil sa pagbabago, madami sa atin nakalimot na sa dating parol na ating kinalakihan, ito na siya ngayon. Mas pinakinang at pinaganda. Ang mga ganitong uri ay makikita sa bayan ng Pampanga. Ang bayang ito ay isa sa may pinakamalaking kontribusyon sa pag-gawa ng Parol.

Siyempre, hindi mawawala sa ating kultura ang mga Ninong at Ninang. Sila ang nagbibigay sa atin ng gabay bukod sa ating mga magulang. At sila din ang isa mga nabibigay ng aguinaldo sa tuwing sasapit ang Pasko. Ang hindi ko malilimutang aguinaldong natanggap noon sa Ninong ko, yung Tren-trenan na de baterya. At siyempre, yung walang humpay na Beinte at Singkwenta Pesos! Pero ngayon, marunong na ang bata, kailangan Isandaan na!

Hindi pa tayo nagtatapos dyan. Naaalala mo ba ang mga Peryahan? Di ba diyan mo nakita ang babaeng gagamba, ang lalaking pugot ang ulo, ang lalaking may walong kamay? Teka, “Catterpillar” nga pala ang paborito kong sakyan noon bukod sa Octopus at Periswheel! Pero ngayon, kahit hindi Pasko, ang daming Peryahan kung saan-saan. Hindi na kasiyahan ang dala, kundi sugal.

Nga pala, naaalala mo ba ang pinakamalaking christmas tree sa Cubao? E yung animated show sa COD sa tuwing sasapit ang Pasko? Nakakatuwa ang mga alaala noon ng COD, kasi gabi-gabi inaaya ko ang tatay at nanay ko para manuod dun. Mabuti na lang, hindi pa din siya nawawala dahil inilipat na siya ngayon sa Greenhills Shopping Center.


O di ba ang saya pa din ng Pasko sa atin? Kahit pa sabihin ng iba na maingay ang Pasko sa atin, kahit na madami pa ang nangangaroling, kahit na trapik pag-sumasapit ang Pasko, kahit na puro kainan pagsapit ng Pasko, kahit mahirap lang tayo at naghihikahos sa buhay basta’t kapiling ang buong pamilya iba pa din dito sa atin. Ikaw ba? Kailan ka huling nag Pasko sa atin? At sa tuwing sasapit ang Pasko, madami sa atin ang kumpleto ang pamilya. Madami sa atin ang sobra sa biyaya, madami sa atin kumpleto ang pagkain pag noche buena, madami sa atin ang mayaman.
Ngunit alam mo ba sa likod ng ating mga kasiyahan? Madami tayong mga kababayan ang salat sa yaman? Madami ang nangangailangan. Madami ang nag-iisa sa buhay. Walang tirahan. Walang makain. Walang magulang. Wala ng pamilya. Ang kaunting biyaya na maitutulong natin sa kanila ay sapat na para lumigaya ngayong Pasko. Sana hindi lang ngayong Pasko. Gawin nating araw-araw, ito san ang itanim natin sa ating mga puso at ipamana natin sa ating pamilya. Tumulong tayo Kabayan.

“Kabayan kahit nasaan ka man, Maligayang Pasko sa iyo at sa iyong Pamilya. Ngayong Pasko, sabay sabay tayong manalangin at magpasalamat sa ating Panginoon.”
Pasko sa Pinas by Pinoy Ambisyoso.
Related posts:








































{ 2 trackbacks }
{ 31 comments… read them below or add one }
Na-touch naman ako sa entry at kinilabutan sa last part. Ang ganda, keep it up.
myglitch’s last blog post..FSPhost Closed!
Reply
AMBO Reply:
December 3rd, 2007 at 1:15 pm
Myglitch,
Maraming salamat. Since madami nga sa atin ang masaya naman ngayong pasko. Share na lang natin sa kanila yung sobra sa atin. Merry Christmas nga pala. Godspeed.
Reply
This post is very humbling. i had to rethink what Christmas really means. Ambo, I know that I tease you all the time but this post really touched my soul. I thank you from the bottom of my heart. May God bless you always.. and may we find it in our hearts to share the blessings we have with the less fortunate.
This is a great post!
chuva’s last blog post..Now, talk about transformation…Slimmer’s World Great Bodies 2007
Reply
AMBO Reply:
December 3rd, 2007 at 1:17 pm
Chuva,
You’re always welcome my dear friend. Merry Christmas to you and may the Lord Bless you and your family always.
Reply
naman! kaya nga halos lahat ng nasa ibang bansa nagkukumahog na umuwi dito sa pinas kapag xmas season. sabi nga ng kaibigan ko nasa esteyts.
“ibang-iba ang pasko diyan kaya namnamin mo gaga!”
jojitah’s last blog post..top ten no.004
Reply
AMBO Reply:
December 3rd, 2007 at 5:07 pm
Jojitah,
At talagang me gaga pa talaga haha natawa tuloy ako sa yo.Uy Merry Christmas ha. Lapit lang bahay ko sayo, padala ka naman lechon lols
Reply
dapat hindi na ako napadaan dito eh bigla ko tuloy namiss mga magulang at kapatid ko sa pinas huhuhuhu… iba talaga ang pasko sa pinas lalo na sa probinsya namin ang dami dami pagkain sa kapitbahay hehehe.
scart’s last blog post..Random thoughts..
Reply
AMBO Reply:
December 3rd, 2007 at 5:10 pm
Scarty,
Hahaha bakit sa kapitbahay madaming pagkain? Natawa tuloy ako. Uy goodluck dun sa contest mo ha. Sali ako dyan. Wala bang libreng fruitcake? lol* Merry Christmas sa inyo ha.
Reply
krishia Reply:
December 6th, 2007 at 4:24 am
huuuuuuuuuuuu
miss na miss ko na rin ag Pinas!!!
miss ko na ang manga auntie ko……..
love na love ko ang filipinas…
hindi ako umuwi na nang 2 years..
sa US boring ang pasko duoon sa filipinas napaka masaya
Reply
galing ambo! you captured the unique features of christmas celebration in the philippines. let’s keep these traditions, let us not forget.
Reply
AMBO Reply:
December 3rd, 2007 at 8:07 pm
Monaco,
Thanks a lot Bro. Alam ko madami pa dapat kasama sa listahan kong yan, kaso pinaiksi ko na lang. Baka kasi makatulog magbabasa
Merry Christmas to you and your family bro. Godbless.
Reply
hay naku ka ambo, pasko na naman nga. napag-hahalata edad natin no? kasi nung mga bata pa tayo, nanonood tayo nung show dun sa COD. wehehehe. yung mga bagets di alam yun.
lam mo nami-miss ko pag pasko sa atin? nung nasa menila pa kasi ako, personal ko nang tradisyon yung mamimili ng groceries at ibabalot sa plastic bag. mag-iikot lang ako sa menila, pinamimigay ko sa mga pulubi. (naks, pilantropo)di naman mamahaling grocery, pang-tawid gutom lang.di sya malaking tulong, pero magaan sa pakiramdam. (pambawas ng kasalanan, lols)
sana me mga ganun din, kasi tayong ibang nakaka-luwag sa buhay, barya lang naman yung ibibigay natin na yun, saka pasko naman.
Reply
AMBO Reply:
December 3rd, 2007 at 8:29 pm
Buraot,
Wag kang maingay tungkol sa COD, kunwari noong 1999 lang nagsimula yan haha. Isa ka palang pilantropo kapatid! ganyan na ganyan ginagawa ko. nag-iipon ako ng skyflakes at zesto sa bag ko. kaya everytime na aalis ako at may masalubong akong mga bata o matandang namamalimos, yun inaabot ko. at least sa maliit na paraan nakakatulong tayo. sana kaisa kita pag dumating ang panahon at makapagpatayo ako ng foundation. pangarap ko kasi yun nun pa.
Reply
BURAOT Reply:
December 4th, 2007 at 5:21 am
pangarap ko din yun, tol. actually plano namin yun nung bestpren ko, bago pa sya kunin ni Lord, ahuhuhuhu.. kaso di umubra padulas nya ke kamatayan, ayun. natsugi. cge tol, sama ko dyan.
Reply
AMBO Reply:
December 4th, 2007 at 9:36 am
Buraot,
Parang ayaw ko na yata. Baka kunin din ako ni Lord hehehehe. Sige balitaan kita after mga 10-20 years kapatid!
Reply
merry christmas ambo! tumpak lahat ng sinabi mo, there’s no place like home and wala na yatang sasaya pa sa pasko.
hay miss you, pero teka kelangan ba itago ang edad? hahaha at naks pilantropo pala kayo ni buraot ambabait nyo naman, sana gayahin pa kayo ng marami at wag muna kayo kunin ni lord.
seriously, i love this post.. sobrang nakuha mo lahat ng sentiments ko. mwah
pusa’s last blog post..38 forbidden questions
Reply
AMBO Reply:
December 3rd, 2007 at 11:43 pm
Hi Pusa,
I miss you too! Pag nagtayo kami ng ni Buraot ng foundation kasama ka ha. Ikaw muse namin hehehe. Thanks sa madramang comment lols. Merry Xmas to you and to your family. Godbless.
Reply
BURAOT Reply:
December 4th, 2007 at 5:24 am
d naman masyadow… pambawas lang ng kasalanan.. hehehe..
Reply
Bigla akong nalungkot at namiss ang pasko sa pinas diyan sa ipinakita mong pictures! At dumugo naman ang puso ko dun sa huli na slideshow pictures, Tsk!
kiko’s last blog post..Skin lagot kayo!
Reply
AMBO Reply:
December 4th, 2007 at 9:45 am
Kiks,
Di ba uwi naman kayo dito? O binasag na ba ang alkansiya? hehehe. Merry Christmas kapatid. Pag me chance ka, punta kayo sa ATC Alabang with Ms. Joy on Dec 16 ha. O pano? Kitakits? hehe.
Reply
Napakagandang entry ambo! nalungkot akong bigla para sa mga kababayan nating naghihirap nakakaawa naman.Segi kung mgatayo kayo ng foundation suportihan tika ambo!
btw tag kita;)
cheh’s last blog post..The Wallet Meme
Reply
AMBO Reply:
December 4th, 2007 at 9:42 am
Hi Cheh,
From now on, i’ll call you, The Tag Diva! lols. Naku matagal pa yang Foundation. Salamat sa support, malay mo magkatotoo. Merry Christmas kapatid!
Reply
i’m having a flashback, nag-wwater effect bigla. wahehe. ganda post mo kuya. mahirap na buhay ngaun. dti september nagpapailaw n kmi, ngaun by the end of November n lng.
pero kahit anung hirap, problema ang dumating, ayan pa rin ang Pinoy, masaya. kaya mas masaya tlaga ang paskong Pinoy.
Merry Christmas na rin in advance!
Reply
AMBO Reply:
December 4th, 2007 at 1:18 pm
Jp,
Sinabi mo pa. Kaya yung mga di uuwi jan, isip isip na kayo hehehe. Mas masaya pa din dito sa atin ang pasko.
Reply
bigla akong na-depress!!! aaahhhhhhhhhh!!!! (at bigla akong me na-alalang importante sa puso ko! hint! hint! hint!) hehehe!!!
reyna elena’s last blog post..Happy Thanksgiving from Philadelphia: Part 2 of 2 – Thanks for the friendship!
Reply
AMBO Reply:
December 4th, 2007 at 1:19 pm
Reyna,
Sino naman kaya yun? *esep* *esep* hehehe
Reply
ang aga mong bumati ha heheheh ang gaganda ng mga litrato..makukulay…kumukutikutitap. ilang taon ko ring hindi nakita yang mga yan, buti na lang meron ka
dito kasi malungkot ang pasko kasi balot na balot ng snow yung paligid
..matutulog ka na lang kesa mag medya noche tapos wala ring simbang gabi, buti pa sa SG merong simbang gabi kaya lang isa-isang simbahan lang isang gabi kasi iisa lang ang pareng pinoy e, ibig sabihin para makumpleto mo ang simbang gabi, babyahe ka gabi gabi at lilibutin ang buong singapore, sabagay maliit lang naman ang singapore e.
manilenya’s last blog post..Show and Tell (Bag)
Reply
Mommylenya,
Siempre naman para maaga din ang aguinaldo hahaha. Nilagay ko talaga yan mga yan para maengganyong umuwi yung mga walang planong umuwi haha. Aba makakatulong ako sa ekonomiya natin, dolyares ang dala ng mga kababayan natin pag umuwi dito siempre. *kung meron sanang porsyento mas ok* hahaha. Merry Christmas Ninang! este Momski lols
Reply
thats san lorenzo ruiz church in binondo and the christmas tree in araneta center, mgha kuha mo ba yan? galing ah!
Reply
AMBO Reply:
December 4th, 2007 at 10:28 pm
Kingdaddyrich,
Hindi ko kuha yan bro. Hiningi ko lang sa flickr hehe.
Reply
24 years nang hindi ko naranasan ang paskong pilipino. christmas celebration dito sa alemanya ay super nakakaantok. busog nga sa regalo pero wala ang spirit of christmas.
Beng’s last blog post..From Dial-Up To Broadband
Reply
si beng asa taas, nagmamaktol
iba kasi ang celebrasyon nila dito kesa sa pinas e…basta ako may parol sa alemanya. eto
http://kengkay.wordpress.com/2007/11/30/parol/
at bibili pa ako pag uwi ko dyan sa pebrero… pero walang puto bumbong at bibingka dito, waaahh… ganda ng mga pechurs mo, kaka touch.
kengkay’s last blog post..Mano po, Ninang
Reply
AMBO Reply:
December 4th, 2007 at 10:38 pm
Mommy Kengks parang alam ko na ideya mo. bibili ka dito para ibenta dyan ano? hahahaha. Di bale meron naman ng bilihan ng bibingka kahit hindi pasko eh. Uso na siya ngayon sa mga mall. Kaya kahit hindi pasko mkakatikim din kayo. Clue: Sa mga SM malls meron. Nag clue pa ano? hahahaha
Reply
Mommy beng,
Grabe ang tagal na pala Momski. Dito kung hindi ka man busog sa regalo, busog ka sa pagkain naman hehehe.
Reply
ahh..brings back childhood memories,,,lalo na yung puto bumbong picture! salamat sa post na ito, pareng ambo!
Reply
AMBO Reply:
December 5th, 2007 at 1:20 pm
Mogli,
Walang anuman kapatid. Maraming salamat din sa pagdalaw. Merry Christmas!
Reply
sana, despite lahat ng nangyayari sa bansa natin ngayon, maging masaya naman ang pasko ng sambayanang pinoy. we deserve to be happy kahit papaano.
maligayang pasko sa iyo ambo.
Meeya’s last blog post..Bells On His Beard
Reply
AMBO Reply:
December 6th, 2007 at 12:18 am
Hi Meeya,
Merry Xmas din sayo. Thanks for the visit. Godbless.
Reply
pre, sana you have time for a tag. I tagged you in my post “what is your comfort food?”
Reply
AMBO Reply:
December 5th, 2007 at 1:22 pm
Monaco,
Sure i will. Tama kasi sa tema ng blog ko yan hehe. Thanks bro.
Reply
salamat tlga at nagiging tool ang balay mo to remind us that it is really a blessing to give than to receive. salamat maligayang pasko dyan sa atin! ayos ang mga litrato nakakamiss tuloy dyan satin!
dhez’s last blog post..salamat
Reply
AMBO Reply:
December 5th, 2007 at 1:29 pm
Hi Dhez. Just wanna say Happy Birthday to you kapatid. Maraming salamat sa pagbisita at yaan mo gagawin ko lahat na pwedeng i-blog para yung mga nasa malayo, parang andito na din. God Bless you always.
Reply
The 7th World Bazaar Festival
December 6-16, 2007
At the World Trade Center, Metro Manila
12nn ~ 10pm = Mon to Thrus
10am ~ 12mn = Fri to Sun
Visit us @ Booth 2012.
See you there!
Reply
AMBO Reply:
December 5th, 2007 at 1:31 pm
Hi Lizz,
Aba me advertisement hehe. Btw, anong meron sa bazaar na yan? Is that your own booth? San ka namin hahanapin kung sakali? Anong suot mo? Asl pls? haha. Update..update…update..
Reply
I always want to try that putobumbong and i think I will have the chance to do that now since I am in the Phils. now
chase’s last blog post..Born To Shine
Reply
AMBO Reply:
December 6th, 2007 at 12:19 am
Chase,
now it’s your chance to be known as putobumbung chef. hehe. Salamat sa pagbisita kaibigan.
Reply
hahaha! It’s actually my sister’s booth and we are selling toys there. Baka madaan ka lang ng World Trade Center eh hehehe. Malamang mag bantay dun sister ko or her husband. Pero I might be there next week… Mon/tues and Wed
Lizzz’s last blog post..World Bazaar Festival
Reply
AMBO Reply:
December 6th, 2007 at 12:16 am
Lizzz,
Wow cge try ko dumaan ha. Dalhin ko pamangkin ko. hehehe
Reply
kuya ni-tag kita. un lng. and merry xmas and a happy new year. gift ko. joke. wahehehe.
Reply
AMBO Reply:
December 6th, 2007 at 12:11 am
Jp,
O utang muna ha. Di bale pasko naman, gagawin ko yang mga tag na yan. Basta wait lang hehehe.
Reply
Nangilid luha ko sa post na ‘to, sobrang miss ko na ang Pasko dyan sa atin plus miss ko makasama mga mahal ko sa buhay sa espesyal na okasyon na tulad nito. 3years na din na pasko di ko sila nakasama. Iba pa din ang paskong pinas, walang tatalo. Keep on blogging Ambo, galing mo!
Naku, naiyak na ko ng tuluyan bigla akong na homesick anobeh! hehehe…
Misyel’s last blog post..Snowy Sunday
Reply
AMBO Reply:
December 7th, 2007 at 6:06 pm
Misyel next year pagplanuhin mo na at mamimiss mo talaga ang pasko dito sa atin, lalo na kaming mga bloggers na papasalubungan mo hehehe.
Reply
meri xmas!!!!!!! korekness, ibang iba ang paskong pinoy…walang kasing ingay…SEPTEMBER palang merring merri na di ba. di ko yata kaya ang mag celebrate ng xmas ng nasa abroad
chuvaness’s last blog post..As long as I am healthy, I will grab all opportunities in life
Reply
AMBO Reply:
December 7th, 2007 at 6:08 pm
Malensky naku sinabi mo pa. Twice kong naranasan di mag pasko sa Pinas. kakalungkot talaga sa ibang bansa. boringness! hehe Uy wag kang mawawala sa dec. 16 Cibo 6pm, ATC Alabang.
Reply
Maligayang pasko din sa iyo, Ambo! Mas lalo ko tuloy na miss pasko sa atin. By the way, pwede mahiram pics mo, print ko at ipapakita sa mga studes ko dito. Para maipagyabang ko naman kung gaano kasaya ang pasko sa pinas
Marlene’s last blog post..Three Things Tag
Reply
wow! nice naman ng post na itits!!! ala na talagang tatalo sa pasko sa pinas!
Reply
ay pahabol…hmmm pahiram nito e post ko sa multiply ko ng sa ganun ma touch naman ung iva jan na salat sa yaman pero ni centimo d man lang nangladlad…haaaay… oks lang po ba kuya AMBO??? hehehe…
Reply
AMBO Reply:
December 22nd, 2007 at 4:16 pm
Annskie, sure you can use it. But don’t forget my link hehehe. Merry Christmas and God Bless.
Reply
wow! talaga namang nakakamiss ang pasko sa pinas! MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT NG NASA PINAS……
ALL THE BEST TO ALL FROM TORONTO, CANADA
Reply
Leave a Comment