Round 1: Estrada, Guilty!
pinoyambisyoso.com | Sep 12, 2007 | Comments 9
|
|
The Sandigan Bayan court said, Former Philippine President, Guilty beyond reasonable doubt.
Ngayong umaga napanuod ko ang hatol kay Erap, Guilty ang binigay sa kanyan ng Sandigan Bayan. Tama ang aking hinala. Sa kabilang banda, nakakalungkot din naman dahil sa kanyang edad naparusahan ang dating Pangulo ng ating bansa sa mga paratang na idiniin sa kanya. Siya ay nabigyan ng Life Imprisonment Reclusion Perpetua, paliwanag ni Fortun, hindi ito pang habambuhay na pagkabilanggo, siya ay makukulong ng maximum na 40 years. Kung iisipin, parang habambuhay na din dahil matanda na si Erap (70 years old) at halos duon na lamang nya hihintayin ang kanyang kamatayan. Siya ay mananatili sa resthouse sa Tanay, Rizal na hiniling ng kanyang mga abogado at napagbigyan. Do you think it’s fair enough that Erap would still remain in Tanay instead na sa Muntinlupa?
Narinig ko din ang panayam ni Korina Sanchez kay Sen. Meriam Santiago sa kanyang programa sa radyo, ayon kay Meriam, hindi pa ito ang katapusan ng kaso ni Erap. Round 1 pa lang daw ito. Kung pag-uusapan ang teknikal na aspeto ng kaso, si Erap ay maaring maghain ng Motion for Reconsideration sa Sandigan Bayan, at iyan naman ay ginawa ng kampo ni Erap ngayon. Ngunit kung hindi didinggin ng Sandigan Bayan ang motion, ito ay maaring i-file sa Korte Suprema (Supreme Court). Sabi pa ni Meriam, malaking sampal sa Sandigan Bayan kung tatanggapin nila ang motion ni Erap, dahil ito ay magpapatunay na nagkaroon ng pagkakamali sa ginawa nilang desisyon. Ayon kay Meriam, ang kaso ni Erap ay maari pang tumagal at pwede pang maging problema ng susunod na uupong presidente ng bansa. Maaari din sanang tanggapin ni Erap ang Pardon na inihahain ng gobyerno ngunit ito ay tinanggihan nya. Kung tatanggapin ni Erap ang ruling, magiging final na ang kaso at siya ay bibigyan na lamang ng di bababa sa 20 years na pagkabilanggo.
Sa apat na kasong inihain kay Erap, isa ang Jose Velarde account na naging basehan kung bakit siya ay pinatawan ng guilty. Ayon kay Fortun, 4.2 Bilyon Pesos ang kabuuan ng mga nakaw ng akusado, kasama dito ang collectibles from Jueteng operations, Muslim Foundation, collectibles from tobacco excise tax of Ilocos Sur, Velarde account, Boracay Mansions etc. The said properties which was allegedly owned by Erap will be forfeited by the government. Question was raised by Karen Davila on her radio program, “Paano kaya maibabalik ni Erap ang lahat kung sabihin nyang wala na sa kanya ang hinahanap ng gobyerno?” Paano nga ba?
Isa sa mga napanuod ko sa ABC 5 ay isang interview mula sa isang karaniwang mamamayan, ito ang sinabi nya,
Oo, si Erap ay para sa masa. Malapit siya sa mahihirap at minahal siya ng mga ito. Mas gusto ni Erap ang nasa labas ng Malakanyang para makihalubilo sa mahihirap. Ngunit sa pagiging Pangulo, maaring hindi ko tanggap. Dahil mahina siya sa “governance”, popularity wise pwede pa.”
Ngayong napatawan na si Erap ng Guilty, ano pa kaya ang masasabi mo? Tama ba ang ipinataw sa kanya ng korte?
Related posts:
- Joseph Estrada for President | The 2010 Presidential Elections Joseph “ERAP” Estrada is the 13th President of the Phillipines from 1998 until his ouster in the 2001 Edsa Revolution....
- Pacquiao Vs. Dela Hoya Video Round 1 to Round 8 This morning the whole world watched the most awaited event of the year in world sports. The Manny Pacquiao and...
- Erap Pa Rin! (Ang Pagbabalik) Ito ang balitang bumulaga sa atin kaninang hapon dito sa Pilipinas. Former Joseph Estrada was given a full pardon ng...
- Erap, Guilty or Not Guilty? After six years of waiting, Former President Joseph Estrada’s promulgation of plunder case is set on Wednesday 9m, September 12,...
- Ang Pinay sa Buhay ni Pinoy Ambisyoso Una ko siyang nakilala noong unang araw ng ako’y umiyak at namulat. Ngunit masakit man isipin, noong unang araw na...
Filed Under: Government and Politics


























[...] After Erap, Who’s Next? Joseph Estrada Guilty of Plunder Tingog Estrada Guilty of Plunder, Jinggoy and Lawyer not found Guilty [...]
ordinaryong mamamayan din ako ngunit… isa lang ang masasabi ko..
si erap… hinarap ang problema.
yung isa dyan… hinarang ang mga batikos.
now, sino kaya ang guilty? maski man ako… hindi ko alam ang sagot. ^^
Mantakin 4.2 billion? andami ng taong giginhawa dyan. Sakto lang na patawan sya kaso nga lang ang panget ang tagal ng process..
Kung simpleng grave defarmation and physical injuries ang kaso aabutin pa 2 or 3 years… yan pa kaya….
thanks for the info, nabasa ko lang yung headline at nde ko na nakita yung news kasi super busy din sa work …
Nasimulan na ba ang Hello Garci sa Senado? Kasi the last time I heard na ay umuoo daw yung ibang senators pero dapat pag-usapan kung baket na wire tap at sino nagpa-wire tap parang ayaw ata nilang pag-usapan yung laman ng usapan hehehe
Justice precedes mercy as always. Give mercy when justice is served. Pero dapat hindi lang si erap, isama natin si madame at asawa nya sa likod ng malalamig na rehas.
btw, nice site PA, and thanks for the warm welcome in the forum!
[...] Related Article After Erap, Who’s Next? Joseph Estrada Guilty of Plunder Tingog Estrada Guilty of Plunder, Jinggoy and Lawyer not found Guilty [...]
Sam, Pinoy, Pinoy Pop Machine thanks to for sharing your opinions. I agree, this time justice must prevail.
I am usually apolitical but and not really a church person but..
My two cents worth..
The CBCP was right when it stated that this should serve as a warning of some sort for current govt officials..
Giving ERAP a non guilty plea would further hurt the credibility and legitimacy of this rotten and corrupt administration..
I was there at EDSA 2 and I am one one of the throngs of people now who regret taking part in giving GMA an opportunity to lead this country..
ERAP MAY BE GUILTY AFTER ALL but..
GMA HAS DONE AND STILL IS DOING A GREAT DISSERVICE to this country…Hello Garci?
I bet she will be the next President to be jailed in Tanay or wherever in THE VERY NEAR FUTURE…
I feel sorry for Erap. Surely, he’s done a lot of good deeds but justice must prevail.
The guy should give back the money he stole including kickbacks..
Sam
Flip Brown Guy
http://www.flipbrownguy.com