Find Your Favorite Movies Here. Wacth Now for Free!
Powered by MaxBlogPress 

Pasko Na Uli Kabayan

Pasko Sa Pinas. Ang sabi ng iba ang Pasko ay hindi lamang tuwing Disyembre. Ito daw ay isang pagtitipon at selebrasyon na ginaganap araw-araw. Dito sa atin sa Piilipinas, ang Pasko ay maituturing na pinakamalaking selebrasyon na ginagawa bago matapos ang taon.

Naalala ko tuloy kahapon nang ako’y sumakay sa isang pampasaherong Jeepney papuntang Alabang. May isang batang gusgusin na nasa edad na 9 or 10. Mayroon siyang dalang sobre na ang nakasulat ay maagang pamasko para sa mga batang Badjao. Pumasok siya sa Jeep at isa-isang inabot ang dala-dalang sobre. Sa aking pakiramdam ang batang ito ay ginamit lang ng isang sindikato upang manghingi ng pera sa mga pasahero.

Naawa ako sa bata ngunit hindi ako nagbigay ng kahit isang kusing dahil sa aking paniniwala, ang mga batang ito ay hindi dapat inaabuso at kung ikaw ay magbibigay ay uulit-ulitin lamang nya ang hindi magandang kaugaliang ito. Sa kanyang kamusmusan, ang batang ito ay dapat nasa isang eskwelahan at nasa aruga ng kanyang magulang, ngunit sa hirap ng buhay, marahil ito ay pinabayaan na lamang na palaboy-laboy kung saan-saan.

Ngunit may mga ilang kababayan natin na totoo ngang nanghihingi sa kalsada tulad ng matatanda nating kababayan, sina lolo at lola. Sa aming lugar dito sa Las Pinas makikita mo ang ilang matatandang patuloy na nanglilimos ng awa para sa ikabubuhay at para pamatid gutom at uhaw sa pang araw-araw na buhay. Hindi lahat ng pulubi ay hawak ng sindikato. Hindi lahat ay nagkukunwari. Hindi lahat ay dapat ituring na sakit ng lipunan.

Mula ngayon, may halos anim na buwan pa bago sumapit ang Pasko. Sa aking pagbabasa ng sarili kong blog, naalala ko ang aking sinulat tungkol sa Pasko sa Pinas. Naalala ko ang ating mga kababayang naghihirap at mga kababayang may ginintuang puso na patuloy na tumutulong sa mga kapos nating mga kababayan. Bago sumapit ang Pasko at kahit hindi Pasko, sana ay matutunan natin ang magbigay sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong. Hindi lamang sa mga pulubi, hindi lamang sa mga walang tahanan, hindi lamang sa mga may sakit, hindi lamang sa mga kabataan na nalululong sa masamang bisyo kundi ang tulong na patuloy natin silang ipanalangin na sana’y maging mabuti ang ating buhay dito sa ating bansa. Ang pagtulong ay hindi lamang tungkol sa pera, ito’y nauukol din sa pakikipag-kapwa tao. Halina ka kabayan tumulong na tayo.

Muli kong ibinabalik ang ginawa kong video na ito. Nawa’y maibigan mo.

Pasko Sa Pinas by Pinoy Ambisyoso.

Related Posts

Related posts:

  1. “Bro, Ikaw ang Star ng Pasko” Lyrics and Video ...
  2. Pinay Domestic Helpers in Jordan ...
  3. Blog Sagot sa Kahirapan? ...
  4. Pasko sa Pinas ...
  5. Ang Pinay sa Buhay ni Pinoy Ambisyoso ...

Filed Under: Holidays

Tags:

RSSComments (8)

Leave a Reply | Trackback URL

  1. Blog2u says:

    Kakatouch naman sobra. The video is excellent. Naku- kakaiyak talaga.

    Blog2us last blog post..Calling All Filipino Bloggers

  2. kengkay says:

    alam mo kung sino ang tunay na sindikato? yung mga taong may kapangyarihan at kayamanan para ibahin ang takbo ng mundo pero hindi ginagamit ang yaman at kapangyarihan para sa maging maganda ang mundo.

    kengkays last blog post..Walang Gana

  3. juler says:

    Hahaha… SEO ito… lang haba ng preparation mo ah tol… but kidding aside, we really can’t blame those people who beg in streets… Sa hirap ba naman ng buhay ngaun…

    julers last blog post..Pogads Best Adsense Alternative

  4. i like the vid. i like the music, as well. but vid+music? hehehe di masyadong tugma. pero i appreciate yung sinulat mo. sana marami pang tao na katulad mo.

    guilty ako dun sa isang bagay na binanggit mo: iniisip kong lahat ng pulubi ay miyembro ng sindikato. oo nga naman. hindi lahat.

    pogingpayatots last blog post..Ooh-lala ang iniiiiit!!!

  5. nice video, i love the song, parang ma-iiyak aq xa pictures, :( (

    Blogger and The Blogs last blog post..Playboy Magazine For #1 An Issue

  6. agree aq ky Fitz, gling mong magsulat ng tagalog!!! pang.nobela hehehe.

    ok ung vid mo ah, ;-)

    Make Money w/ Gushers last blog post..Earn Money Online w/ CashCreation.Com

  7. Fitz says:

    Merry Christmas Ambo! Ang aga yatang SEO nito. Hehe. Pero seriously, magaling ka din palang magsulat sa Filipino. :D

    Fitzs last blog post..Why Are Filipinos So Poor?

  8. madbong says:

    nice vid parekoy!

    madbongs last blog post..Puntong Rizal

Leave a Reply