Erap Pa Rin! (Ang Pagbabalik)
Ito ang balitang bumulaga sa atin kaninang hapon dito sa Pilipinas. Former Joseph Estrada was given a full pardon ng ating magaling na Presidenteng Gloria Macapagal Arroyo. Ito daw ang pinakamahirap na desisyon na ginawa ni GMA sa buong buhay niya. Para nga ba sa ating lahat ang desisyong ito o para sa kanyang personal interest? Eksakto naman sa pagbubukas muli ng hearing tungkol sa ZTE deal na kung saan deretsahang ng isinangkot ng batang De Venecia si GMA sa issue. Magaling, magaling, magaling!
Umani ng batikos mula sa ibat-ibang sektor ang pagpapalayang ito kay Erap. Ang buong bayan tuloy ay nagtatanong, bakit nga ba? Awa ba ito? Naalala ko tuloy ang sinabi ni Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez,
Extending mercy and pardon to Estrada, President Gloria Macapagal Arroyo should also look into the plight of other Filipinos languishing in jail and seeking pardon as well as the country suffering from rampant poverty and graft and corruption in the government. Ang mercy dapat ipakita sa lahat hindi lang sa isa kasi kapag ganyan nababahiran ito ng ibang tingin.
Aba may laman ang sinabing ito ni Bishop Iñiguez. Paano nga ba naman, nagiging home for the aged na ang mga kulungan natin sa dami ng mga lolo’t lola na nakakulong doon. Maryosep!
Natawa na lang tuloy ako sa komento ng isang kababayan natin, ang sabi nya, aba’y malaya na din pala tayong magnakaw sa gobyerno tutal meron namang pardon eh. Pobreng Juan dela Cruz, biktima na naman ng gahamang pulitiko sa sariling bayan.
At dahil sa pangyayaring ito, kahit na mag-ngitngit pa tayo sa galit at init ng ulo ito ang paliwanag ni Secretary Bunye,
The power of the President under the Constitution is absolute!
Nakakasakit ng ulo talaga. Kaya ako dinadaan ko na nga lang sa kanta eh,
Gloria, gloria labandera…
Gloria, gloria labandera…
Gloria, gloria labandera…
Maglabada ka na lang Gloria.








MOGLi posted: 26 Oct at 5:41 am
anak ng patuka sa manok! Nasan ang hustisya? Bakit kung sino ang big time na kriminal, yun ang binibigyan ng executive clemency? Sigurado ako sasabihin ni GMA, “lapse of judgment lang uli ito, sorry na uli Juan de la Cruz!” Nampuch,,,gaano kahaba ang pasensya ni Juan? Sana mapuno na ang salop!
(btw, mang ambo, just added you in my sidebar. hope you don’t mind being a part of The 300 brave spartans. LOL!)
[Reply ]
Schumey posted: 26 Oct at 8:18 am
Tuliro na rin ako sa dami ng kalokohan nitong si Gloria. Hindi na nga siya cute, puro kabulastugan pa. Dapat talagang sipain na yan.
[Reply ]
parisukat posted: 26 Oct at 8:29 am
haaaay same news din yung gumising sakin.. Pinaglalaruan lang nila ang Pilipinas at ang mga Pilipino. Halata namang na convict lang si Erap dahil tagilid ang posisyon ni Arroyo kung di xa macoconvict. Xmpre as a part of the deal Bibigyan ng pardon si Erap ngayon, so parang “alls well that ends well” sila. Pa’no tayo? Haaaaay/
[Reply ]
manilenya posted: 26 Oct at 9:47 am
yan ang tinatawag na sarswela ng bayan..tsk tsk tsk at ang bida sa tanghalang yan ay yung nagpapanggap na may butihing puso na babaeng may nunal.
manilenya’s last blog post..Kami ang mga batang tundo
[Reply ]
jojitah posted: 26 Oct at 10:38 am
hay pulitika.. kanya-kanyang drama at diskarte.
jojitah’s last blog post..the diva becomes dot com
[Reply ]
pusanggala posted: 26 Oct at 11:03 am
anak ng pinutakhing hustisya. palayain nyo na rin yong ibang nakakulong. inggit na inggit na sila. kawawa nman ang mga mahihirap…maraming inosente ang nasa kulungan at hayun, hirap kumuha ng tunay na hustisya..hirap talagang maging mahirap.
dalawa siguro ang batas na umiiral dito sa atin. 1) batas para sa mahirap 2) batas para sa mayayaman at pulitiko
pusanggala’s last blog post..My Grade School Story
[Reply ]
kotsengkuba posted: 26 Oct at 11:12 am
bwakanangpakshet ‘yan… para san pa ang ginawang hearing. anak ng PI
[Reply ]
aguy posted: 26 Oct at 10:19 pm
Grrrr….yoko na! Tama na. Palitan na.
[Reply ]
kengkay posted: 26 Oct at 10:25 pm
hmp…we must do something…bilis.
kengkay’s last blog post..We need to do something?
[Reply ]
Meeya posted: 27 Oct at 3:03 am
yun nga yata ang ginagawa ni gloria, naglalaba ng mga kalokohan niya. kaya eto, ikinukula niya si erap para maipakitang maputi kahit kasing itim ng nunal niya ang gobyerno niya.
Meeya’s last blog post..Bells On His Beard
[Reply ]
kiko posted: 27 Oct at 3:23 am
Hahaha!
Ay joke ba yun? Oops sorry! Totoo pala ang balita na yan! Akala ko nagpapatawa lang sila. Pero pareho rin, katawa-tawa pa rin yung pinaggagagawa nila.
Susko! Kawawa naman tayong mga pinoy. Kaya sa susunod na botohan, mas maging wise na sa pagpili ng iboboto.
kiko’s last blog post..Dear Alkansiya!
[Reply ]
reyna elena posted: 27 Oct at 8:29 am
sinabi ko na talaga at nag-pramis na ako na hindi na ako magmumura nang putang ina!!! hindi na talaga!!!
reyna elena’s last blog post..OFW Logo presented to you by Reyna Elena
[Reply ]
dhez posted: 27 Oct at 1:07 pm
anak ng butiki naman o!! d nga? bakit naisip nya un? wala nako masabi kungdi bwishet!!! hay… wala n tlga…
dhez’s last blog post..after that then what?s next?
[Reply ]
rey posted: 27 Oct at 1:31 pm
agree ako…kadami ng mas deserveing ng pardon na yan but kelangan pa i-afford ke erap na kung tutuusin ni hindi cya naghirap…just an opinion…
rey’s last blog post..Finally, Zsa Zsa in Cebu!
[Reply ]
Lionheart posted: 27 Oct at 3:33 pm
Hehe
Marami talaga ang mas deserving bigyan ng pardon…
Hay naku! Siguradong kailangan na talaga ni Gloria si Erap kaya ginawa na niya ito…
Di ba ang laki ng ipinayat ni Gloria? Kaiisip ba yun?
Lionheart’s last blog post..“Titigil ka muna sa pag-aaral”
[Reply ]
selvo posted: 27 Oct at 9:36 pm
di rin totoong pwede na tayo magnakaw kasi di naman tayo makapangyarihan tulad ng mga kumag na yan. it only shows that the political elite, mag-away away man yan di mahirap magbalikan ng loob. pareho namang kasing magnanakaw, parehong manlilinlang at mandarambong. kaya ayan nagdadamayan at ang kawawa ang ordinaryong taumbayan
selvo’s last blog post..PALABAN and MALABANAN AWARD 3
[Reply ]
towr posted: 27 Oct at 10:25 pm
dapat mga 3 and half years pa bago siya pinalaya. ang bilis ng decision e. paanu kung wala na laman yung mga bank accounts na yun, pipilitin pa rin ba nila na bayaran yun ni Erap. paanu kung hindi nya nabayaran, ikukulong siya uli?!
towr’s last blog post..The Ateneo Seminar
[Reply ]
reyna elena posted: 27 Oct at 10:56 pm
kelangan ni gloria nang tulong kung pano mangutong, si erap, expert kaya ganun!
reyna elena’s last blog post..The Face behind the Crown! The Crown that won?t fit the face!
[Reply ]
joy posted: 28 Oct at 1:24 am
Hi Ambo! Thanks for listening to Usapang Pinoy today and for sending that instant message.
And yep - that’s the way the ‘political’ system is in the Philippines. What can we do? We do what we can - keep plugging, keep striving to contribute towards the Philippine’s progress.
joy
Your Love Coach
joy’s last blog post..The Little Things
[Reply ]
AMBO posted: 28 Oct at 4:08 pm
Hi Guys. Salamat po sa mga opinion nyo. Bw, meron daw malaking pagtitipon ang mga love si GMA “kuno”. Ang sabi, 60 days na lang ang ibinibigay na palugit sa kanyang pwesto? kakasa ka ba?
Ms. Joy, you’re always welcome. I’ll tune in next Saturday. More power to your show.
[Reply ]