Are You an Overseas Filipino Worker? Share Your OFW Stories at Pinoy Ambisyoso. Read Full Article Here.
Powered by MaxBlogPress  
Home | About | Archives | Advertise Here | Exchange Links | Contest Page | Entertainment | Technology | Photography | Contact


Ang Pinay sa Buhay ni Pinoy Ambisyoso



Una ko siyang nakilala noong unang araw ng ako’y umiyak at namulat. Ngunit masakit man isipin, noong unang araw na iyon ay hindi ko man lang nakita ang kanyang mukha. Lumipas ang ilang mga araw, namalagi siya sa aking tabi. Kasa-kasama ko siya kahit saan man ako magtungo.

Hanggang isang araw, biglaan ang kanyang pagkakasakit. Naging paralisado. Mula sa dating masigla, naging parang lantang gulay ang sinapit niya. Napakasakit isipin, ngunit ito ang katotohanang dapat kong tanggapin. At sa mahabang panahon, natanggap ko iyon.

Anim na taon na rin ang nakaraan hindi pa din ganap ang kanyang paggaling. Pero kahit paano’y nakakalakad na siya. Paunti-unti, nagsisikap at naghahangad na muling maibalik ang dating sigla. Kapag kinakausap ko siya, animo’y isang bata ang nasa harapan ko. Kapag makikita mo ang kanyang mukha, lagi siyang nakangiti, para bang hindi siya nalulungkot at parang isang paslit na walang iniisip na problema. Damang-dama ko ang kanyang tapang, na para bang walang nangyari.

Naalala ko pa, dati ako ay takot ako sa kanya. Sa bawat salitang binibitawan niya, lagi kong nasa isip na baka hindi ko siya masunod, na baka magkamali ako at ikagalit niya. At dahil doon naging mahiyain ako, masikreto. At lalo na sa salitang “Mahal Kita”, hindi ko masabi sa kanya. Pero ngayon nag-iba ang lahat, ang dali-dali kong sabihin na mahal na mahal ko siya. Kahit ilang beses pang ulit-ulitin ko, hindi ako magsasawa.

Ilang mga bagay ang natutunan ko sa paglipas ng panahon, isa na ang pagsambit ng Mahal Kita na hindi dapat ikahiya. Kung ano ang nararamdaman, hindi ito dapat itago, sabihin mo ng buong puso.

Gayundin ang pagiging matapang at matatag kapag sumasapit ang unos sa buhay. Matutunang tanggapin ang kapalaran ng buhay at huwag mawalan ng pag-asa habang nabubuhay.

Higit sa lahat, tuloy ang ikot ng buhay at ang Pananampalataya sa Dios. Lahat ng iyan natutunan ko sa Pinay ng buhay ko.

Ang pinakamahalagang Filipina na nagbigay sa akin ng inspirasyon at nagbigay ng pag-asa, siya ay walang iba kundi ang pinakamamahal kong Ina.

Siya ang nagbigay buhay sa akin at nagpadama ng tunay na pagmamahal, nagturo ng katapangan at katatagan. Siya ay simbulo ng isang dakilang ina, isang tunay na Filipina.

Ang aking Ina, isang Proud Filipina!

An entry to the Filipina Writing Project.

Share This Post

You Can Find Similar Posts Here :

Readers Comments

FEEL FREE TO COMMENT HERE